ISANG gintong medalya lamang ang napagwagihan ni surfer Roger Casugay, ngunit nakuha niya ang kalooban ng sambayanan at ng mundo sa natatanging kabayanihan sa larangan ng sports.

CASUGAY: Bayaning atleta.

CASUGAY: Bayaning atleta.

Isinakripisyo ni Casugay ang posibilidad na magwagi sa kompetisyon nang magdesisyon na huwag tapusin ang kanyang laro at tulungan ang karibal na Indonesian na aksidenteng nalagutan ng tali sa kanyang surf board bunsod nang malakas na hampas na alon.

Kakaibang tagumpay ang nakamit ni Casugay hingil dito at mismong ang Indoensia president na si Widodo ay personal na nagpasalamat sa kanyang naging aksiyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Malacanang, pinagkalooban siya ng Pangulong Duterte ng cash gift at Order of Lapu-Lapu.

Dahil dito, nagkakaisa rin ang mga opsiyal at miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ibigay sa Southeast Asian Games surfing champion and hero na si Casugay ang parangal na "Athlete of the Month" para sa buwan ng Disyembre.

Marami ang kandidato na tulad niyang ‘well deserved’ sa parangal, subalit ang natatanging kabayanihan ni Casugay ang nagpahiwalay sa kanya sa listahan ng mga natatanging atleta.

"It was truly a class act by Casugay," pahayag ni TOPS president Ed Andaya ng People's Tonght.

"Like many other outstanding athletes who excelled during the SEA Games in this merry month of December, Casugay made all of us proud to be Filipinos," aniya.

Maging si Philippine Sports Commission (PSC) William "Butch" Ramirez ay taas ang mga kamay sa pagpili kay Casugay bilang Philippines' flag bearer sa parade ng mga atleta sa SEAG closing ceremonies sa New Clark City Athletics Stadium.

“The SEA Games are not only about medals. It is about character, resilience, love for one another and shoring up the faith of the person next to you, something that Casogay has exemplified,’’ayon kay Ramirez.

Napabilang si Casugay sa listahan ng TOPS monthly winners na kinabibilangan nina Senator Manny Pacquiao ng boxing (January), Jasmin Mikaela Mojdeh ng swimming (February), Natalie Uy ng athletics (March), Ernest John Obiena ng athletics (April), June Mar Fajardo ng basketball (May), Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa ng chess (August), Obiena (September), Caloy Yulo ng gymnastics (October) at Margielyn Didal (November).

Isinasagawa ng TOPS ang “Usapang Sports” tuwing Huwebes, ganap na 10:00 ng umaga sa National Press Club, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, at Community Basketball Association CBA) at mapapanood sa Facebook livestreaming via Glitter Livestream.