TAON ng bagong simula at renewals ang 2020 sa ilalim ng Year of White Metal Rat base sa feng shui, isang tradisyunal na kaugalian na nag-ugat sa ancient China.

Master Hanz Cua

"Basically it is going to be a good year for almost all of the animals signs because 2020 will be a strong, prosperous and lucky year," pagbabahagi ni Master Hanz Cua sa isang panayam para sa kanyang annual feng shui forecast sa Mandaluyong City kamakailan.

Ayon kay Cua, isang magandang taon ang 2020 para sa pagsisimula ng bagong negosyo o paghahanap ng bagong trabaho.

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

Magsisimula ang Year of White Metal Rat sa January 25, 2020 at magtatapos sa February.11, 2021.

Pagbabahagi rin niya, ang mga matagal na proyekto na naplanong mabuti ay malaki ang tsansa na maisakatuparan na. "Initiatives will only be successful if they are carefully planned."

Pinakamasuwerteng direksyon para 2020 base sa feng shui, ang Southeast kung nasaan ang Heavenly Wealth Star.

"The same direction will attract good fortune, opportunities, helpful friends, windfall luck, influential people and good breaks," ani Cua.

Ayon pa sa feng shui master, malaki ang benepisyong maitutulong ng Southeast direction sa mga ipinanganak sa ilalim ng Chinese Zociac Sign na Dragon at Snake. "It will also affect the eldest daughter."

Upang mapalakas ang Southeast direction, payo ni Cua sa mga feng shui followers maglagay ng lucky charms tulad ng Kwan Kong, Arowana fish, Prosperity Rat, at Money Tree.

Masuwerte ring direksyon para sa 2020 ang: Southwest, West, Northeast, and Northwest. Habang ang luckiest color ng bagong taon ay blue, aniya.

-Robert R. Requintina