PINAGHANDAAN at tunay ngang inabangan ng lahat ang hosting ng Pilipinas sa katatapos na 30th Southeast Asian Games (SEAG) na naganap noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ito ang ikaapat na pagkakataong na naghost ang Pilipinas ng nasabing biennial meet na dinaluhan ng 11 bansa sa palibot ng Southeast region.
Sa loob ng 14 na taon matagumpay na nakuha ng bansa ang overall championship bitbit ang 149 gintong medalya kasama Ang 117 silver medals at 121 bronze medals sa kabuuang bilang na 387 medalya.
Ito ang tinatayang pinakamagandang performance ng Pilipinas sa nasabing 11-nation meet buhat noong lumahok Ito.
Sa huling 2005 SEAG kung saan host din ang Pilipinas, bagama’t nakakuha din ng overall championship, ay humakot lamang bg 112 gintong medalya ang bansa.
Kung kaya naman walang sidlan ang pasasalamat buhat sa mga sports officials para sa mga atletang nagsakripisyo at kumayod bang husto upang mabigyan ng karangalan ang bansa.
Hindi rin matatawaran ang suportang ibinigay ng gobyerno para sa mga atleta sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) na siyang nagbigay ng buhos na ayuda para sa kanila.
Tapos na SEA Games,ngunit hindi nangangahulugan na magpahinga na rin ang mga atleta at ang PSC sa pagkayod ngayong taong 2020.
Panibagong hamon na naman ang kakaharapin nating mga Pilipino pagdating sa larangan ng palakasan.
Paghahandaan naman ngayon ng Pilipinas ang pagsabak ng ating mga atleta para sa 2020 Tokyo Olympics.
Dito masusukat ang tibay ng ating mga atletang Pilipino na handang sumabak sa anumang laban para sa karangalan ng bansa.
-Annie Abad