LOS ANGELES (AP) — Tinanghal si LeBron James bilang ika-siyam na player sa kasaysayan ng NBA na nakagawa ng 9,000 assists, habang tumipa si Anthony Davis ng 23 punto sa 108-95 panalo ng Los Angeles Lakes kontra Dallas Mavericks nitong Linggo (Lunes sa Manila).

SINAGASA ni Los Angeles star guard LeBron James ang depensa ni Dallas Mavericks forward Dorian Finney-Smith sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa NBA. (AP)

SINAGASA ni Los Angeles star guard LeBron James ang depensa ni Dallas Mavericks forward Dorian Finney-Smith sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa NBA. (AP)

Inabot ni James — magdiriwang ng ika-35 kaarawan sa sa Lunes (Martes sa Manila) – ang marka may 4:35 ang nalalabi nang maipasa ang bola kay Davis para sa two-handed dunk. Nakuha ni James angh ika-13 assist sa laro.

Kumana naman si Davis ng 8 of 12 sa field para sa ika-26 laro na nakapagtala siya ng 20 o higit pang puntos ngayong season.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Nag-ambag si Kentavious Caldwell-Pope ng season-high 19 puntos, kabilang ang apat na three-pointer, habang umiskor si Dwight Howard ng 15 puntos.

Nanguna si Luka Doncic sa Dallas na may 19 puntos.

Umabot ang bentahe ng Lakers sa pinakamalaking 17 puntos sa kalagitnaan ng third period.

NUGGETS 120, KINGS 115

Sa Denver, hataw si Will Barton sa naiskor na 19 puntos, kabilang ang dalawang free throw sa huling walong segundo para sandigan ang Nuggets kontra Sacramento Kings.

Nag-ambag si Michael Porter Jr. ng season-high 19 puntos at anim na reboubds, habang tumipa si Nikola Jokic ng 17 puntos at walong rebounds para sa Denver.

Naitala ng Nuggets ang ikalawang panalo sa tatlong laro sa home game matapos ang kabiguan sa New Orleans sa raw ng Kapaskuhan.

Nagbalik aksiyon si De’Aaron Fox sa Kings sa impresibong 18 puntos at 13 assists. Nag-ambag si Nemenja Bjelica ng 27 puntos.

Tumipa si Jerami Grant ng 18 puntos at kumabig si Mason Plumlee ng 15 puntos, tampok ang 9-of-10 sa free throw.

GRIZZLIES 117, HORNETS 104

Sa Memphis, ginapi ng Grizzlies, sa pangunguna nina Dillon Brooks na may 20 puntos at rookie Brandon Clarke na may 18 puntos, Charlotte Hornets.

Ratsada si Jonas Valanciunas na may 16 puntos at kumana si Jaren Jackson Jr. ng 14 puntos at 12 rebounds para sa Memphis.

Nanguna si Malik Monk sa Charlotte na may 18 puntos, habang tumipa si Devonte Graham ng 16 puntos at 10 assists.

PELICANS 127, ROCKETS 112

Sa New Orleans, hataw si Lonzo Ball sa naiskor na season-high 27 puntos, tampok ang career-high pitong 3-pointers sa panalo ng Pelicans kontra Houston Rockets.

Umarya din si E’Twaun Moore na may limang 3-pointer para sa season-high 25 puntos para s aikalimang sunos na panalo ng New Orleans.

Nagawang madomina ng Pelicans ang Rockets na wala ang star players nitong sina James Harder, Russell Westbrook at Clint Capela.

Nag-ambag si Brandon Ingram ng 27 puntos at kumana si Jrue Holiday ng 25 puntos para sa New Orleans, naglaro na wala ang No. 1 overall draft pick na si Zion Williamson bunsod ng injury. Nag-ambag si Derrick Favors ng 12 puntos at 17 rebounds.

Nanguna sina Danuel House Jr. at Eric Gordon sa Houston sa nsikor na 22 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod.