CANADA --- Pinangunahan ni Alvin Pasaol ang Zamboanga Family’s Brand Sardines kontra sa naghahabol na Imus-Luxxe Slim, habang pinasaya ni Senator Manny Pacquiao ang crowd sa impresibong opensa sa 2019 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup Canada Invasion nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary, Alberta.

Ang Zamboaga Team ng MPBL.

Ang Zamboaga Team ng MPBL.

Hiniya ng Zamboanga pride ang Bandera ni actor Gerald Anderson, 88-72, para manatili sa No.6 rank sa Southern Division tangan ang 17-10 karta.

Kumana si Pasaol ng 21 puntos at anim na rebounds para sa ika-apat na sunod na panalo ng Family’s Brand Sardines-owned Zamboanga.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nag-ambag din sina Raffy Reyes at Reggie Morido sa opensa ng Zamboanga para mailayo ang bentahe sa second half. Naitala ng Zambo ang pinakamalaking bentahe sa 54-31 may 9:10 ang nalalabi sa laro.

Nag-ambag si Aaron Black ng 13 puntos, limang rebounds, at tatlong assists, habang tumipa si Tinton Asistio ng 12 puntos.

Nanguna si Anderson sa Imus sa natipang 14 puntos at limang assists, habang kumana si Jeric Nacpil ng 13 markers at walong boards.

Samantala, nangibabaw ang Team Pacquiao sa Casem Calgary, 116-99, sa MPBL exhibition match.

Naitala ng fighting Senator ang triple-double -- 31 puntos, 11 assists, at 10 rebounds – laban sa koponan na binubuo ng mga Overseas Filipino Workers.

Nagwagi naman ang Mark Yee-led MPBL All-Stars kontra sa Calgary Storm, 95-95.

Hataw si Yee sa naiskor na 27 puntos at 12 rebounds.

Nanguna sa Calgary-based team na pinangangasiwaan ni Filipino Tony Tan si Kenny Oteneo na may 24 puntos, anim na assists, at limang boards.

Iskor:

Zamboanga Family’s Brand Sardines (88) -- Pasaol 21, Black 13, Asistio 12, Bonsubre 7, Reyes 6, Manzo 6, Rono 6, Morido 4, Santillan 3, Ignacio 3, Argamino 2, De Vera 2, Villamor 0, Arboleda 0, Bederi 0

Imus-Luxxe Slim (72) -- Anderson 12, Nacpil 13, Cunanan 12, Cantimbuhan 10, Helterbrand 5, Deles 4, Vito 3, Morales 3, Ong 3, Munsayac 3, Arellano 2, Daroya 0, Ng Sang 0, Lim 0, Cawaling 0, Gonzaga 0

Quarterscores: 24-18, 46-31, 70-55, 88-72