KAPWA pinanood nina Ogie Diaz at MJ Felipe, hosts ng OMG ang Miracle In Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach at inaming pinaiyak sila ng Pinoy adaptation ng Korean hit movie.

aga1, miracle in cell no. 7

“May kurot sa puso ang istorya at hindi mo namamalayan ay tumutulo na ang luha mo. Todo suporta ang ibinigay ng cast tulad nina Tirso Cruz, Joel Torre, JC Santos at John Arcilla. Wala kang tulak kabigin dahil ang gagaling nila. At ang bata ay ‘di lamang natural umarte kundi very lovable pa. Siguro kung walang ‘moment’ si Aga sa madamdaming eksena with the child actress Xia Vigor ay baka nasapawan siya ng mga actor who played prison mates. I watched the film with my children at they were crying too. Sa likuran ay dinig namin ang mga hikbi. If you haven’t cried for a long time. This movie will. Magdala kayo ng panyo coz Miracle In Cell No. 7 is a tearjerker. Paiiyakin at patatamain kayo at the same time.”

Sa credit titles ay nakasaad na isa sa producer ay si Aga Muhlach. No wonder grabe ang sipag ang ginawa ng actor sa pag-promote ng pelikula. Sulit na sulit ang lahat ng pagod dahil malakas ito sa takilya. Unofficially pumapangalawa ito sa movie ni Vice Ganda. Para sa isang producer tulad ni Aga. Ang primary concern ay maging big hit sa takilya ang pelikula. Bonus na lamang kung manalo ito ng awards. Oo nga naman. Nahakot mo nga ang mga awards pero aapat lang kayo sa loob ng sinehan. Sa dami kasi ng Award Giving Bodies ay ‘di na ito binibigyan pansin ng maraming manonood hindi pa man showing ay naka-set na ang isipan nila kung anong pelikula ang panonoorin. At isa sa pinaghandaan nila ay ang Miracle In Cell No. 7.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-REMY UMEREZ