BAGAMA’T kinapos at hindi napagtagumpayan ang target nilang grand slam, maituturing pa rin na taon ng San Miguel Beer ang papatapos na 2019 sa Philippine Basketball Association (PBA)

Sa pamumuno ni league 5-time MVP Junemar Fajardo, inangkin ng Beermen ang ikalimang sunod nilang Philippine Cup title.

Kasunod nito, satulong ni dating NBA player Chris McCullough inangkin.ng tropa ni coach Leo Austria ang Commissioner’s Cup crown para sa ikalawang sunod nilang titulo sa 44th season.

Isang titulo na lamang at makakamit na sana nila ang ikalawang grandslam ng SMB franchise,ngunit hindi sila pinalad sa season ending Governors’ Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maganda na sana ang kanilang simula sa third conference ngunit sinamang palad na na-injured ang import nilang si Dez Wells kaya napilitan silang ilagay ito sa injured list at palitan ni dating NBA player John Holland.

Ngunit ng malapit nang makabalik ulit si Wells, dito naman nangyari ang away nila kasama ng mga locals na sina Arwind Santos, Ronald Tubid at Kelly Nabong.

Mismong ang management ng SMB ang nagsuspinde sa tatlong nabanggit na local players habang tuluyan ng pinauwi si Wells.

Hindi na nakabawi ang Beermen sa nasabing pangyayari hanggang sa tapusin ng twice-to-beat at No. 4 Barangay Ginebra ang kampanya nila sa in the quarterfinals.

Gayunpaman, masaya pa rin ang Beermen sa tagumpay na kanilang nakamit.

“ I’m happy with what we achieved – two championships this season and eight championships the last five years. So we have to count our blessings,” pahayag ni Austria.

-Marivic Awitan