DALAWANG araw na lamang at 2020 na, isang bagong taon kung saan natatanaw ng bansa ang malaking pag-asa at inaasam. Gayunman, mayroon ding mga pangamba kaugnay sa posibleng mga epekto ng batas na magkakabisa sa Enero 1 – ang ikatlong yugto ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyon na pinagtibay ng Kongreso bilang isang batas bilang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).
Ang CTRP ay binalangkas ng Department of Finance – sa mga salita ni Finance Secretary Carlos Dominguez III – “a simple, fair, and more efficient tax system… to promote investments and jobs and reduce poverty.” Nananawagan ito ng revisions sa mga batas sa tax amnesty, sa kinikita, sin, pagmimina, real property, pinansiyal, at motor vehicle taxes.
Ibinaba ng TRAIN 1 ang personal at income tax rates at nagpataw ng mga bagong taripa, kabilang na ang taripa na P2.50 kada litro sa diesel, na wala dati, simula Enero 2018. Ito ang taon na ang Philippine market prices – inflation – ay sumirit sa taas na hindi pa naabot dati, pumalo sa 6.7 porsiyento nitong Setyembre. Sinabi ng economic managers ng gobyerno na ito ay dahil sa pagtaas sa presyo ng langis bukod pa sa local manipulation, ngunit ang bagong taripa sa diesel ay walang duda na gumanap ng malaking papel sa problema sa presyo ng taong iyon.
Ngayong taong 2019, ang ikalawang yugto na P2 taripa sa diesel ay ipinatupad ngunit nananatiling matatag ang presyo sa merkado. Ang ikatlong yugto na P1.50 sa taripa sa diesel ay ipatutupad na ngayon simula sa Enero 1, 2020, at ilan sa mga miyembro ng Kongreso – kabilang sina House Deputy Minority Leader Carlos I. Zarate at Rep. Ferdinand Gaite, kapwa ng partylist na Bayan muna, ay nagpahayag ng mga pangamba tungkol sa ikatlong pagtaas na ito sa taripa sa diesel.
Ipatutupad ito sa panahon na ang presyo ng langis sa mundo ay nagsisimulang tumaas. Ang oil inventories ng United States ay bumaba sa 3.39 milyon bariles, ayon sa US Energy Information Administration. Iniulat ng Organization of Petroleum Exporting Countries) na inaasahan nito ang maliit na deficit sa oil market ng mundo sa susunod na taon. At sa pagbuti ng relasyon sa pagitan ng US at ng China, inaasahang tataas ang global demand para sa crude oil para sa industrial production sa maraming bansa. At nangangahuluga ito ng mas matas na presyo ng langis sa mundo.
Nanawanagan sina House opposition members Zarate at Gaite sa administrasyon na bawiin ang TRAIN Law dahil nangangamba sila na ito ay magdulot ng “price onslaught” na tatama sa mga Filipino consumers sa susunod na taon. Umaasa kami na ang price situation ay hindi babagsak tulad ng nangyari noong 2017, ngunit kailangang buo ang alerto ng gobyerno sa pagsisimula ng bagong taon.
Maaaring magsama-sama ang mga parehong dahilan sa pagtaas ng mga presyo noong 2018 – ang pagtaas ang presyo ng langis sa buong mundo, pagtaas sa local price dahil sa karagdagang taripa sa diesel. Kailangang maging handa ang gobyerno sa mga hakbang na magpapagaan sa epekto ng anumang pagtaas sa presyo sa maralitang sektor ng bansa gayundin ang istriktong pagbabantay laban sa price manipulation ng mga sektor na nagsasamantala sa sitwasyon.