SENTRO ng atensyon ang Union Bell at Exponential – dalawa sa pinakamalupit na pangkarera sa two-year old class, sa tampok na pakarera ng Philippine Racing Commission ngayong taon -- ang 2019 Juvenile Championship sa Disyembre 31 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Target ng Union Bell (mula sa lahi ng Union Rags, USA; dam Tocqueville, ARG), ang ikaapat na sunod na panalo sa Juvenile Series na may naghihintay na P1.5-millyon prize.
Sinimulan ng Union Bell, alaga ni Elmer de Leon, ang ratsada sa impresibong five-length win sa 1st leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Race nitong Oktubre sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite, bago humirit sa 2nd leg ng Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas sa sumunod na buwan.
Nakumpleto ng sumisikat na kabayong pangkarera ang ‘three-peat’ na tagumpay sa Juvenile Colts Stakes Race sa the San Lazaro Leisure Park nitong Disyembre.
“Masyadong magaling ang kabayo ko, ready na ito next year sa Triple Crown, pero may mga karera pa na dapat takbuhin,” pahayag ni Union Bell’s jockey Jonathan B. Hernandez.
Kasabay ng tagumpay ng Union Bell sa Juvenile Colts’ title, nanguna rin ang Exponential sa Juvenile Fillies Stakes Race sa impresibong five-length triumph, hindi sinasadya, sakay din nito si JB Hernandez.
Sa Juvenille Championship tambalang Hernandez at Union Bell, habang si jockey PM Cabalejo ang gagabay sa Raymund Puyat-owned Exponential.
Makaakribal nila ang paborito ring SC Stockfarm’s coupled entries After Party (jockey MM Gonzales) at Our Secret (Kevin Abobo), gayundin ang Lucky Savings (jockey JA Guce, owner Antonio Coyco) and Puro Asset (JL Paano, Melanie Habla).
Kabuuang P2.5 milyon ang nakatayang premyo ng Philracom.
“We are definitely saving one of our best stakes races for the last, before we say goodbye to another memorable racing year,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez