NAGAWANG matamo ng agrikultura ng Pilipinas ang 2 porsiyentong paglago ngayong 2019, sinabi ni Secretary of Agriculture William Dar sa huling pagpupulong ng taon ng Department of Agriculture’s Management Committee. Umaasa ang departamento na mapanatili ang kasalukuyang 2 porsiyentong paglago sa 2020, tataas ng hanggang 3 porsiyento sa 2021, at maaabot ang 4 porsiyento sa 2022.
Kahit na sinasabing ang Pilipinas ay isang mainam na bansang agrikultural, dahil sa malawak nitong lupain para sa palay, mais, niyog, at iba pang mga pananim, hindi nito napaunlad ang kanyang agrikultura gayundin ang ilan ang mga katabing bansa nito sa Southeast Asia. Hindi nga natin kayang magprodukto ng sapat para sa ating populasyon; kinailangan pa nating mag-angkat ng malaking bulto mula sa Vietnam at Thailand.
Ang agrikultura, industriya at mga serbisyo ay ang sinasabing tatlong pangunahing bumubuo sa GDP. Ayon sa mga numerong tinipon ng CIA World Factbook, ang serbisyo ang pinakamalaking bahagi ng kabuuang GDP ng mundo sa ngayon. Binubuo nito ang 80 porsiyento ng GDP ng United States, 70.9 porsiyento sa European Union, at 51 porsiyento sa China.
Sumusunod ang industriya. Binubuo nito ang 40.5 porsiyento ng GDP sa China, 25.2 porsiyento sa European Union, at 19.1 porsiyento sa US.
Ang agrikultura ang may pinakamaliit na kontribusyon sa GDP ng halos karamihan ng mauunlad na bansa. Binubuo nito ang 0.9 porsiyeno lamang ng GDP, 1.1 porsiyento ng GDP ng Japan, 1.6 porsiyento ng sa European Unions.
Sa Pilipinas sa kasalukuyan, ang mga serbisyo ang nag-aambag ng pinakalaking bahagi ng GDP – 59.8 porsiyento.
Ang industriya at katumbas ng 30.6 porsiyento at ang agrikultura ay 9.6 porsiyento lamang. Ang mga serbisyo ay kinabibilangan ng kita ng ating milyun-milyong Overseas Filipino Workers. Isinama rin nito ang mga kinita mula sa ating tourism industry, sa kanyang hotel services.
Wala tayong gaanong narinig na mga plano sa sektor ng industriya, ngunit napakalaki ng prospect ng agrikultura dahil sa malaking posibilidad sa merkado. Totoo ito, lalo na para sa palay, na bumubuo sa halos 9 na porsiyento ng consumer basket ng mga Pilipino. Ang self-sufficiency sa bigas ay matagal nang pinapangarap ng mga administrasyon ng Pililipinas, simula pa sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na nagkaroon ng programang Masagana.
Ang Department of Agriculture sa ilalim ni bagong Secretary Dar ay may plano ngayon para sa paglago ng agrikultura ng Pilipinas. Ang departamento, aniya, ay magtutuon sa lumalakas na productivity, pagpapababa sa lugi sa produksiyon, value-adding, at market-matching.
Inaasam natin ang mga susunod na taon sa pagpapatupad ng Department of Agriculture sa programa nito na may malinaw na target na 2 porsiyentong paglago sa 2020, 3 porsiyento sa 2021, at 4 porsiyento sa 2022.
Sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, dapat tayong magkaroon agricultural productivity bilang isa sa pinakamalaking natamo ng kanyang administrasyon.