MAGANDA ang pagsalubong sa Pasko nina Pancho Magno at Max Collins, dahil sa good news na magkakaroon na sila ng unang baby bilang mag-asawa.

MAX AT PANCHO

Sa post ni Pancho, ibinahagi nito ang larawan nilang mag-asawa sa Instagram, habang hawak-hawak nila ang ultrasound result ni Max.

Post ni Pancho, “The more the merrier-er Christmas from our growing family to yours. Thank you Lord our God for giving us the gift of love and Life on your birthday.”

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Halos ganu’n din ang post ni Max at inulan sila ni Pancho ng congratulatory messages. Nakakatuwa na kahit Viva talents at ABS-CBN talents, nag-congratulate sa mag-asawa sa darating nilang baby. Gan’un ka-well-loved sa showbiz ang mag-asawa.

Pero, walang tatalo sa reaction ng mom ni Pancho na si Ms. Redgie Magno na ang sabi, “Yahoo!!! Im the happiest!!! Thank you LORD.”

Ang hindi pa nabanggit nina Pancho at Max ay kung ilang weeks pregnant si Max, kaya hintayin natin ang mga susunod na announcement ng mag-asawa.

-NITZ MIRALLES