STAYCATION lamang si phenomenal star Maine Mendoza last Christmas day dahil mas pinili niyang sorpresahin ang mga fans nila na nanood ng kanilang Mission Unstapabol: The Don Identity na entry ng APT Entertainment at M-Zet Productions na ipinalalabas na ngayon simula pa noon Christmas day, December 25, para sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Maine at Trinoma

Nagulat at nasorpresa talaga ang mga fans na nanood sa apat na cinemas na pinuntahang mag-isa ni Maine, ang Trinoma sa Quezon City, Robinson’s Galleria sa Mandaluyong City, Market! Market! at BGC in Taguig City at sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Dati kasi, three years ago, and every year, until last year, pagkatapos ng Parade of Stars ng MMFF, dahil lagi siyang may festival entry, nagbabakasyon na si Maine kasama ng buo niyang family. Pero this time, nasa bahay nila siya sa Bulacan with her family, at magkakasama silang nag-Noche Buena last Christmas Eve. Time rin kasi ni Maine na magpahinga naman after ng sunud-sunod na trabaho bago nag-December.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakakuha kami ng unofficial first day box-office gross ranking ng MMFF:

  1. The Mall The Merrier
  2. 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon
  3. Miracle In Cell No. 7
  4. Mission Unstapabol: The Don Identity
  5. Sunod
  6. Mindanao
  7. Culion
  8. Write About Love

Patuloy po nating tangkilikin ang MMFF 2019 na tatagal up to January 7, 2020.

-NORA V. CALDERON