KABUUANG P40,000 cash prizes ang nakalatag sa pagsulong ng 1st Calauan Laguna Dalawahan Rapid Chess Tournament sa Disyembre 30 sa Kanluran Covered Court malapit sa Calauan Town Plaza sa Calauan, Laguna.Magsisimula ang Round 1 ganap na alas 10 ng umaga ayon kina organizing committee Mikhail Perez Laoagan at Sosonty Caumban sa year-ender tournament na pangangasiwaan ni Fide Arbiter Reden Cruz ng Chess Arbiter Union of the Philippines.
“Chess is lifetime learning. Isulong mo ang tamang tira,” sabi ni tournament manager Mikhail Laoagan na tumapos ng second place kamakailan sa Black and White Chess Tournament 2019 (Open event) sa 3rd floor, Activity Area, Pacific Mall sa Lucena City nitong Linggo.
Ang Dalawahan champion ay tatangap ng P12,000 plus trophy habang ang second placer ay magbubulsa ng P8,000 plus trophy. Nakalaan sa third hanggang 8th placers ay tig P5,000, P3,000, P2,000, P1,500 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.May category awards para sa top lady, top senior, top unrated, top Elementary, top High School, top College at top Calauan na tig P1,000 plus medal.
Ang registration fee ay P1,200 habang ang onsite registration ay P1,500. Sa mga nagnanais na lumahok, makipag-ugnayan kina Sosonty Caumban (0955-983-6343) at Mikhail Laoagan (0998-996-8843).