Hindi inaasahan ng Viva executives na makikipagsabayan sa takilya ang pelikulang Miracle In Cell No. 7 ni Aga Muhlach kaya abut-abot ang pasalamat nila. Sabi nga sa post ng Viva team, “AMIRACLE is happening. Thank you, Lord. #MiracleinCellNumber7.”

aga1

Maging si Aga ay panay ang pasalamat sa lahat ng nanood sa nationwide, “Daghang salamat sa napakalaking himala na ito. #miracleincellno7.”

Ang Miracle In Cell No. 7 ang unang pinanood ni Ogie Diaz kasama ang mga anak.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Mugto lahat ng mata namin paglabas sa sinehan ng Miracle In Cell No. 7. Pakahusay ng buong cast na sumuporta sa bidang si Aga Muhlach, kaya hindi rin nagpakabog ang matinee idol sa aktingan.

“Paskong-pasko naman, pinaiyak n’yo naman kami, Jose Rizalino Torre, JC Santos, Soliman Cruz, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Bela Padilla, Xia Rigor, Romeo John Arcilla at Aga, huhuhu! Lalo ka na, Direk Nuel Naval, ang husay mong magdirek.

“Niyakap tuloy ako ng katabi kong anak. ‘Di daw niya ma-imagine kung mangyayari sa akin yon.

“Congrats sa inyong lahat, sa VIVAFilms, kay Boss Vic! Feeling ko, ‘di pakakabog sa first 3 top grosser ang pelikulang kahit adaptation lang ito. ‘Di pa din ako maka-get over. Huhuhu!”

Pawang magagandang feedbacks ang nababasa sa social media at naririnig sa mga nakapanood na ang tungkol sa pelikula ni Aga kaya mas lalong lumakas ito tanghali palang.

Nagpost din ang anak ng batikang aktres na si Ms. Caridad Sanchez na si Cathy Sanchez Babao tungkol sa Miracle In Cell No. 7 na shinare ng aktor sa kanyang Facebook page.

“There are very few actors who can make me cry. Aga Muhlach is one of them. What poignant, brilliant acting, not only from Aga, but from an entire cast of great actors lead by Joel Torre, and John Arcilla. “Miracle In Cell #7” is THE film to see in this year’s MMFF. If you only want to watch one movie, this film is it.

“And the child actress, OMG. What a natural! Ang bata pa, ang lalim na ng balon na pinaghuhuhugutan. I would give her the best actress award!

“Of course you already know who I want as Best Actor. Hands-down. Aga. Your acting was pure joy to watch. Wonderful storytelling. Beautiful dialogue. Inspiring message. Excellent, moving film.

“Haven’t cried as much in a movie in a very long time. Congratulations VIVA films and the entire cast and crew! Ganda!”

As of this writing ay may sitsit na nasa ikalawang puwesto ang Miracle In Cell No. 7 sa unang araw ng Metro Manila Film Festival at nangunguna ang The Mall The Merrier ni Vice Ganda mula rin sa Viva Films at Star Cinema.

Malakas ang laban ni Aga sa pagka-best actor base na rin sa feedback ng lahat ng nakapanood at malalaman ito ngayong gabi sa MMFF Awards Night na gaganapin sa New Frontier Theater, Araneta City.

At kapag naiuwi nga ng aktor ang tropeo, tutuparin kaya niya ang pangakong may pa-party at bonus siya sa lahat ng dumalo sa nakaraang grand presscon ng Miracle In Cell No. 7 na ginanap sa Tektite Towers.

-REGGEE BONOAN