LOS ANGELES (AP) — Mas masaya ang Pasko ni Kawhi Leonard kay Lebron James.

NAWALAN ng balanse si LeBron James ng Los Angeles Lakers, sa pagtatangkang maagaw angbola mula kay Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers sa kainitan ng kanilang laro sa ‘Christmas in Hollywood’ NBA game nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).  (AP)

NAWALAN ng balanse si LeBron James ng Los Angeles Lakers, sa pagtatangkang maagaw ang bola mula kay Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers sa kainitan ng kanilang laro sa ‘Christmas in Hollywood’ NBA game nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila). (AP)

Nagsalansan ng 35 puntos ang 2019 NBA Finals MVP para sandigan ang Los Angeles Clippers sa 111-106 panalo kontra Los Angeles Lakers sa pinakahihintay na ‘Christmas Day’ duel nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Nag-ambag si Montrezl Harrell ng 18 puntos, habang kumana si Paul George ng 17 puntos para maitala ng Clippers ang ikalawang panalo laban sa Lakers ngayong season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Kyle Kuzma sa Lakers na may 25 puntos, habang tumipa si James ng 23 puntos, 10 assists at siyam na rebounds, at tumipa si Anthony Davis ng 24 puntos. Naitala ng Lakers ang ikaapat na sunod na kabiguan.

WARRIORS 116, ROCKETS 104

Sa San Francisco, pinatunayan ng batang Warriors na kaya nilang magpatumba ng heavyweight na karibal, sa kabila ng patuloy na pamamahinga nina star players Klay Thompson at Stephen Curry.

Sa pangunguna ni Draymond Green na kumana ng 16 sa kabuuang 20 puntos sa second half, pinabagsak ng Golden State Warriors ang Houston Rockets.

Hataw si Damion Lee sa naiskor na 22 puntos at career-high 15 rebounds, habang kumana si D’Angelo Russell ng 20 puntos at may 18 puntos si Glenn Robinson III para sa ikatlong sunod na panalo ng Warriors at tuldukan ang four-game winning streak ng Rockets. Nahila ng Golden State ang marka sa 7-24.

Humirit si Russell Westbrook ng 30 puntos at 12 rebounds, habang umiskor si James Harden ng 24 puntos at 11 assists, at kumana si Danuel House Jr. ng 18 puntos para sa Rockets.

Naitala ni Westbrook ang ikasiyam na sunod na 20-plus points, pinakamahabang scoring streak ng isang Rockets player, maliban kay Harden mula nang maitala ni Tracy McGrady ang 10 sunod na laro noong 2007.

CELTICS 118, RAPTORS 102

Sa Toronto, nadismaya ang local crowd sa unang NBA Christmas Game sa Canada nang maungusan ng Boston Celtics ang Toronto Raptors.

Kumasa si Jaylen Brown na may 30 puntos, habang umiskor si Kemba Walker ng 22 puntos.

“It was good to get a win here on Christmas,” pahayag ni Brown, nagtumpok ng limang three-pointers.

Nag-ambag si Enes Kanter ng 12 puntos at 11 rebounds para tuldukan ang eight-game losing skid ng Celtics. Kumasa rin ang nagbabalik-aksiyon na si Gordon Hayward sa naiskor na 14 puntos.

“It’s still a little sore but it’s playable,” pahayag ni Hayward. “It’s good, it’s good.”

Nanguna si Fred VanVleet sa may 27 puntos at tumipa si Chris Boucher ng career-high 24 puntos para sa Raptors. Humirit sina Kyle Lowry at Serge Ibaka na may 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

SIXERS 121, BUCKS 109

Sa Philadelphia, naungusan ni Joel Embiid ng Philadelphia sa one-on-one match-up si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukeer Bucks sa nakolektang 31 puntos at 11 rebounds.

Naisalpak ni Tobias Harris anglimang three-pointer, habang tumipa ng tig-apat sina Josh Richardson at Furkan Korkmaz sa kabuuang 21 three-pointer sa 44 pagtatangka ng Sixers.