NALAGPASAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga target nito sa larangan ng cave assessment at issuance ng wildlife permits, Oktubre pa lamang.
“This is palpable evidence that the DENR is not only focused in the rehabilitation of Manila Bay and Boracay, but also in the conservation of the country’s flora and fauna,” sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu.
Sinabi niya na patuloy ang pagpapatupad ng DENR ng Republic Act 9147, o mas kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.
Nilalayon ng batas na i-conserve at protektahan ang wildlife species at ang kanilang habitats para maitaguyod ang ecological balance at mapabuti ang biological diversity, at ma-regulate ang pangongolekta at pagkakalakal sa wildlife species.
Sa tala nitong Oktubre, in-assess ng BMB ang 52 kuweba o katumbas ng 137 porsiyento ng annual target na 38.
Sa pamamagitan ng Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife (Task Force POGI), nakumpiska rin ng BMB ang kabuuang 72 ulo ng iba’t ibang wildlife species, at 15.6 kilo ng agarwood (Aquilaria spp.) sa magkakaibang operasyon sa bansa.
Ang Task Force POGI ay isang composite team ng wildlife enforcers mula sa iba’t ibang ahensiya kabilang na ang BMB, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police.
Nag-isyu ang BMB ng kabuuang 7,926 wildlife permits, gaya ng gratuitous, wildlife farm, wildlife local transport, wildlife collector, import, export at re-export permits, gayundin ng certificates of wildlife registration, nalagpasan ang target na 4,026 ng 197 porsiyento.
Ang mataas na accomplishment ay iniugnay sa paglabs ng permits batay sa demand, paliwanag ng BMB.
Ngayong 2019, pinanindigan ng BMB ng 42 wildlife rescue centers at 384 ecotourism facilities nationwide, natamo ang 89 porsiyento at 98 porsiyento, ayon sa pagkakasunod, ng mga target.
-Ellalyn De Vera-Ruiz