NALUNGKOT naman kami sa ilang nanood ng pelikulang Culion sa ginanap na Black Carpet Event dahil mga basher pala sila. Hindi namin alam kung sino ang hindi nila gusto sa pelikula dahil imbes na tulungan nila ang kapwa nila taga-industriya ay sila pa ang nangungunang pulaan ito.

Kuwento sa amin na isa sa mga direktor na nanood sa premiere night ay tumawag daw kay John Lloyd Cruz para magkuwento ng kung anu-ano na hindi na lang binanggit ng aming source. Ayon pa, kabaligtaran daw ang kuwento kay JLC.
Curious kami kung ano ang ikinuwento ng direktor kay Lloydie dahil puring-puri siya nang makita siya sa screen bilang kasintahan ni Meryll Soriano at talagang pinalakpakan siya nang husto.
Nakarating ang tsikang ito sa mga taong nasa likod ng Culion kaya nalungkot sila dahil ang inakala nilang kaibigan at umaasang susuportahan sila ay basher pala.
-Reggee Bonoan