OPENING day na ngayong December 25, Miyerkules, ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa. Ipaaalaala lamang namin sa mga nagkaroon ng Season Pass ng MMFF o iyong ticket na pwedeng panoorin ang walong official entries sa festival, na hindi ninyo pwedeng gamitin sa first day o ngayong araw na ito ang inyong season, simula bukas, December 26, ninyo lamang ito pwedeng gamitin, hanggang January 7, 2020, sa pagtatapos ng MMFF. At bawat pelikulang panonoorin ninyo, magbabayad kayo ng environmental tax worth P 10.00 (ten pesos).
Ang walong pelikulang naka-print sa inyong season pass ay Culion, Mindanao, Miracle in Cell No. 7, Mission Unstapabol: The Don Identity, M & M, The Mall the Merrier, Sunod, Write About Love, at 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
Sino kaya sa walong pelikulang ipalalabas ang magiging top grosser sa opening day?
-NORA V. CALDERON