“AT isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at ibinaba sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
“Sa lupain ding iyo’y may mga pastol na nasa silungan na halinhinan sa pagba¬bantay sa kanilang kawan sa gabi. “
“ Big¬lang dumating sa kanila ang isang anghel ng Panginoon at nagning¬ning sa paligid nila ang luwalhati ng Panginoon; gayon na lamang ang takot nila. “
“Ngunit sinabi sa kanila ng anghel: “Huwag ka¬yong ma¬takot, ipina-hahayag ko nga sa inyo ang magandang balita na magdudulot ng ma-laking kagalakan sa lahat ng bansa.
“ Nga¬yo’y isini¬lang sa inyo sa bayan ni David ang Taga¬pagligtas na si Kristong Panginoon.“
“At ito ang magiging pala¬tan¬daan nin¬yo: ma¬kikita ninyo ang isang sanggol na naba¬balot ng lampin at naka¬higa sa sab¬saban.”
“Biglang-bigla namang lumitaw kasama ng anghel ang isang makapal na hukbo ng langit, na nagpupuri sa Diyos at sinasabi: “
“Papuri sa Diyos sa ka¬itaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga tao kinalulugdan niya.”
Ganito inilarawan ni San Lucas ang araw na isinilang si Kristo sa Bethlehem, ang siyudad ni David. Sinabi ng mga historyador na maaaring naganap ito sa pagitan ng 4 BC at 6 BC, sa panahon ni Haring Herod sa Judea.
Sa kaganapang ito sa Bibliya, nakita natin ang napakaraming ideya na iniuugnay sa mundo ng Kritiyanismo ngayon.
Inilagay si Kristo sa sabsaban—na pinagkukuhanan ng mga baka ng kanilang pagkain. Napilitang manatili ang pamilya sa lugar silungan kasama ng mga baka at iba pang hayop, dahil walang ibang lugar silang matuluyan. Ang mahihirap na tao—ang mga pastol—ang unang nakaalam ng magandang balita; na sinundan ng pagdating mga tatlong hari makalipas ang ilang araw, mula sa patnubay ng bituin na nagniningning sa Bethlehem. Kaya naman nakikita ng pamahalaan tulad ngayon ang mga mahihirap bilang espesyal na responsibilidad na dapat tulungan sa kanilang pagkain at tirahan.
Umawit ang mga anghel ng kapayapaan at kabutihan sa sangkatauhan. Sa kasalukuyan, nananatiling mailap ang kapayapaan at kabutihan sa maraming bahagi ng mundo, ngunit ito ang pinakahangarin, kasama ng pagpupugay sa Diyos, para sa pagsilang ni Kristo. Dito sa ating bansa, maaari itong paliwanag kung bakit patuloy na naghahangad ang pamahalaan ng kapayapaan sa grupo ng mga Komunistang rebelde, sa kabila ng maraming paghihirap sa proseso nito sa mga nakalipas na panahon.
Sa kanyang Weekly Audience sa Vatican nitong nakaraang linggo, nabanggit ni Pope Francis ang tungkol sa kuna, ang sabsaban, kung saan inilagay si Jesus, “as an artisanal image of peace”—isang “living Gospel.” Hinikayat niya ang bawat isa na gumawa ng kuna sa bawat tahanan, na isa anyang tanda ng pag-iimbita kay Hesus. “if Jesus dwells in our lives, life is reborn, and if life is reborn, it really is Christmas!”
Sa mga lumipas na araw, naranasan natin ang maraming kasiyahan sa saliw ng makukulay na ilaw, masasayang musika, pagkain at mga regalo, ang tuwa at ang biyaya ng panahong ito. Ngayong araw ng Pasko, muli natin balikan ang kuwento ng pagsilang ni Kristo, kung paano umawit ang mga angel ng kapayapaan at kabutihan, at pagtuunan ang paulit-ulit sa ating ipinaaalala na dahilan ng pagdiriwang ngayon, ang kapanganakan ni Hesukristo.