KUNG aabot sa Game 6 hanggang ‘do-or-die’ Game 7 ang best-of-seven 2019 PBA Governors’ Cup Finals, mapapanood ang championship match sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ipinahayag kahapon ng PBA ang muling pagdadala sa championship match matapos makapasok sa Finals ang crowd-favorite at ‘never-say-die’ Ginebra Kings.

Ang Philippine Arena na may sitting capacity na 55,000 ang itinuturing pinakamalaking arena sa Asya.

Matatandaang sa nasabing venue naitala ng league record na 54,086 na bilang ng mga manunood noong Game 7 ng 2017 PBA Governors’ Cup finals sa pagitan noon ng Barangay Ginebra at Meralco kung saan nagkampeon ang Kings.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Bukod sa Philippine Arena, muli ring magdaraos ng finals match ang PBA sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, nakatakdang idaos ang Game 2 ng Governors Cup Finals sa Quezon Convention Center sa Lucena sa Enero 10, 2020 matapos ang Game 1 sa Enero 8.

-Marivic Awitan