NAGBAHAGI ang Obispo ng Diocese of Balanga ng kanyang repleksyon para sa mga Katoliko at hinikayat ang lahat na maging “Christ-like” sa lahat at hindi lamang simpleng bumati sa iba ng “Maligayang Pasko.”

Ayon kay Bishop Ruperto Santos ang kahulugan ng Pasko ay para sa pagdiriwang at paggunita sa kapanganakan ni Jesus, na aniya’y, ipinanganak “to us and for us”.

“Jesus was given to us as God’s gift so that His divine plan of saving us would be fulfilled,” aniya.

“So let our life be the birthplace of Jesus. Let our heart be his manger, our house to be his home. With that, Jesus is with us. We are Christ, we are Christmas to one another,”dagdag pa ng obispo.

Ayon sa Bataan bishop, higit na magiging masaya ang Pasko kung mararamdaman natin ang presensya ni Kristo sa ating mga salita at pagturing sa iba.

“Speak words which make our family and friends happy. Let us also present ourselves to be pleasing to Jesus,”aniya.

Pinaalalahanan din ni Santos ang mga mananampalataya na patuloy na dumalo sa mga misa.

PNA