CEBU CITY – Pinatatag ng Cebu-Casino Ethyl Alcohol ang kampanya na makahirit ng playoff matapos laspagin ang GenSan Warriors-Burlington, 72-66, nitong Sabado sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup sa SWU-Aznar Coliseum dito.

“Sinabi ko lang na just play your defense. Kung anong ginagawa namin sa ine-ensayo namin, ‘wag kaming lalayo doon at mag stay kami doon,” pahayag ni Sharks coach Noynoy Falcasantos.

Mula sa dikitang iskor na 59- 61, hataw ang Sharks sa 12-2 run, sa pangunguna ni Rhaffy Octobre para hilahin ang bentahe sa 71-63 may 1:47 ang nalalabi sa laro.

Nanguna si William McAloney sa Cebu sa naiskor na 19 puntos.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Iskor:

Cebu-Casino Ethyl Alcohol (72) -- McAloney 19, Viloria 16, Octobre 11, Coronel 5, Saycon 5, Cortes 4, Galvez 4, Ubalde 3, Huang 2, Lao 1, Mantilla 0,

GenSan Warriors-Burlington (66) - Celiz 26, Orbeta 12, Basco 7, Grospe 4, Masaglang 4, Raymundo 3, Cinco 3, Cabanag 3, Carlos 3, Delmar 1, Landicho 0, Baltazar 0, Landicho

Quarterscores: 14-19, 28-34, 51-49, 72-66