NO problem kay Bossing Vic Sotto kung hindi man maka-number one ang kanilang pelikula na Mission Unstapabol: The Don Identity. Ang gusto lamang nilang taga-APT Entertainment at M-Zet Productions, ay makapagbigay ng saya, aliwin ang mga moviegoers, na manonood ng kanilang pelikula.

vic-lang

Kay Bossing, sumasali siya bilang pagtupad sa pangako niya noon kina Ace Comedian Dolphy at Da King Fernando Poe Jr., na itutuloy niya ang pagsali sa MMFF taun-taon para magbigay ng kasiyahan sa kanilang mga fans.

Kaya naman pawang mga comedy movies ang ginagawa niya, may halong action at may konti ring drama. Kaya this year, ipinagmamalaki ni Bossing ang bagong role na ginagampanan nina Maine Mendoza na nag-todo action na at si Jose Manalo na for the first time ay binigyan niya ng kontrabida role. Kung dati ay nagpapatawa lamang si Jose, this time, kontrabida siya na tatawanan ng mag manonood ang sitwasyon niya sa bawa’t eksena.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” ay dinirek ni Mike Tuviera na kilala na ring isang mahusay na action director.

-Nora V. Calderon