HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyang inihahanda na ang mga float na sasakyan ng mga artistang may entry sa 45th Metro Manila Film Festival na ang kickoff point ay sa Lakeshore C6, Taguig City, 12PM at magtatapos ng 7PM, sa Mckinley West Open Grounds, Taguig City.

Coco as Paloma_1 _ reggee

Ang pagkakasunud-sunod ng float ay:

Mission Unstoppable, The Don Identity Vic Sotto at Maine Mendoza

Tsika at Intriga

Dennis rumesbak para kay Jennylyn, mga magulang: 'Wag naman sana sila bigyan ng isyu!'

Culion Iza Calzado, Jasmin Curtis Smith at Meryll Soriano

Write About Love Joem Bascon, Miles Ocampo, Rocco Nacino at Yeng Constantino

3pol Trobol Huli Ka Balbon Coco Martin, Sam Milby at Jennylyn Mercado

Miracle In Cell #7 Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla

Sunod Carmina Villaroel at JC Santos

Mindanao Judy Ann Santos at Allen Dizon

The Mall, The Merrier Vice Ganda, Ion Perez at Tony Labrusca

Walang Coco Martin na nakasakay sa float ng 3pol Trobol: Huli Ka Balbon dahil pinalitan siya ni “Paloma”, yes ang pinaka-hot na karakter ngayon ng aktor. Si Paloma na ang bukambibig ngayon sa social media base na rin sa mga post at nakapanood ng pelikula sa ginanap na advance screening.

Kaya kahit masama ang pakiramdam ni Coco ay maaga siyang nagpa-make up at nagbihis bilang si Paloma, parang nakikinita na namin kung gaano kahirap ang naranasan ng aktor kahapon dahil sa kapal ng make-up at mga nakalagay sa katawan para mag mukhang sexy at wig sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

At heto, trending sa social media ang litrato ni Paloma bago sumakay ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon float at isinisigaw na ang pangalan niya ng mga nakakita sa kanya habang unti-unting umaandar ang float. Kaya magkita-kita na sa mga sinehan sa Miyerkules, Disyembre 25.

-Reggee Bonoan