Sinabi ni Domz Ramos, ang official swimwear designer ng Binibining Pilipinas beauty pageant, na nahaplos ang kanyang puso matapos niyang makilala ang isang talented na batang lalaki na ang ina ay nasa kulungan.

“Naghanap kami ng mga batang beki (gay) para sa games namin pero siya lang ang natatanging beki na umakyat sa stage,” ani Ramos, sa isa sa pinunthan ng kanyang team para sa fourth annual Ma-Barbie Doll ang Pasko Caravan” kamakailan.
Ani Ramos: “At siyempre dahil talented siya binigyan ko siya ng cash prize. After ng event, lumapit siya at nag-thank you. Sinabi niya na malaking tulong ang binigay ko dahil sa kanya, patay na ang tatay niya at nasa kulungan naman ang nanay niya.”
Ang bata ay mayroong anim na kapatid, aniya. “Nagtitinda siya sa hapon pagkatapos ng school ng mga kakanin para may maitulong sa kakainin nila sa araw araw. Ioffered him help Itold him kung gusto niyang ampunin ko na lang siya. Magpapaalam siya sa ate niya at nanay niya na nasa kulungan.”
Sinabi ni Ramos na ayaw niyang mapariwara ang buhay ng bata.
“Ayokong magaya siya sa ibang bata na baka dahil sa kahirapan ay gumawa ng bagay na hindi maganda. Matalino siyang bata at lagi daw siyang nasa Top 10 sa class,” kuwento ni Ramos.
Idinagdag niya na: “Sana next school year pumayag siya at ang ate n’ya na ampunin ko siya para magkaroon siya ng pag-asa at makakain ng maayos.”
Sinabi ni Ramos na ito ang unang pagkakataon na napaiyak siya sa apata na taon na ang kanyang team ay namamahagi ng mga laruan at pagkain sa mga batang mahirap.
“Sa buong apat na taon kaming namimigay ng laruan, ito talaga yung sobrang nagpaiyak sa puso ko. Sana next school year, pumayag ang pamilya nya na. Iwill pray for that,” ani Ramos.
Ilan sa celebrities na sumusuporta sa gift-giving event ay kinabilangan nina Bb. Pilipinas finalist Hannah Arnold, Mr. Global Philippines 2019 Ricky Gumera, It’s Showtime Bida Man Wize Estabillo, Ms. Global International 2016 CJ Hiro, Indonesian superstar and Pinoy celebrity Teejay Marquez, etc.
-ROBERT R. REQUINTINA