SA solong panayam namin kay Allen Dizon kamakailan ay inamin niyang nasa pang-70 pelikula na niya ang Mindanao na ipinanalo ni Judy Ann Santos bilang Best Actress sa nakaraang 41st Cairo International Film Festival.

Allen

“Siya ‘yung nanalo sa Cairo, pero ako ‘yung pumunta (tumanggap ng award),”sambit ng aktor.

Sa 70 movies na nagawa ni Allen ay ganito rin karami ang awards na natanggap niya, “hindi naman, mga 34 (acting awards).” Sabi pa.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nabanggit namin na ang mahigpit na makakalaban ni Allen sa pagka-best actor sa 2019 Metro Manila Film Festival ay si Aga Muhlach sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 handog ng Viva Films.

“At least, Aga Muhlach ‘yun, sana sinuman sa amin sa amin okay na, I’m sure ibinigay niya ang best niya sa Miracle, ako rin naman. Saka mapasama itong Mindanao sa festival tuwang-tuwa na kami tapos pag nagkaroon pa ng award, bonus na,” pahayag ni Allen.

Nagulat kami dahil sa rami ng pelikulang nagawa ni Allen na nakarating na sa iba’t ibang festival sa ibang bansa ay unang beses palang niyang mapasama sa MMFF.

“First time! First time ko sa Metro Manila Film Festival, siguro kasi depende sa pelikula, tapos pangalawa ko na ito kay Brillante (Mendoza), una namin Alpha: The Right To Kill mga pulis kami. Tapos first time ko rin kay Juday,” say pa.

Natanong si Allen kung hindi niya nararamdaman na underrated siyang aktor sa rami ng awards niya.

“Siguro sa mga Pilipino, sa mga TV network kasi wala akong regular na soap na parati kang nasa TV, siguro dahil na rin sa namimili ako lagi ng role, ayaw kong matali sa soap opera kasi, may sarili naman akong buhay,” ito ang katwiran ni Allen.

Inamin ng diretso ng award winning actor na siya ang umaayaw na mag-teleserye kapag hindi niya gusto ang karakter dahil katwiran niya may mga pelikulang nagawa na niya na kapareho rin ng inaalok sa kanya minsan.

“GMA pa ‘yung huli kong serye, tapos ang huli ko sa ABS (CBN) ‘yung Doble Kara (2015-2017) with Julia Montes,” sambit ng aktor.

Nabanggit pang, “saka ayaw ko lagi rin ng nagpupuyat kasi kapag nag teleserye ako hindi ko na nakikita ang pamilya ko, e, kami ni misis ang naghahatid sundo sa mga anak namin, kaya ayaw kong natatali ako. Pag may shooting ako, wife ko ang sumusundo sa mga bata sa school, wala kaming katulong, kami-kami lang kaya hands – on talaga kami sa mga anak namin.”

Dagdag pa, “saka sa pelikula ang buhay ko, mas gusto kong gumawa ng pelikula kaysa sa teleserye kasi nga natatali ka, ayaw ko no’n. Nakakapagod kasi ang araw-araw (taping). Mas gusto ko ang indie films kasi pang award, di ba, pumapasok sa festival. Pag commercial ‘di ba hindi lahat pang-award.”

Hindi na kasi bumabata si Allen kaya iniiwasan na niya ang puyat pero hindi naman isya mukhang matanda pa dahil simula nu’ng nakilala namin siya ay halos walang pagkakaiba sa itsura niya.

“Ha, ha, hindi ako matakaw sa tulog, malakas ako sa exercise, diet at exercise, tennis, saka ayaw ko ng stress. Hindi ako nagpapa-stress, pag may (problema), tinatawanan ko lang. Umiinom din naman ako pero hindi ‘yung nagsosolo lang ako,” saad ni Allen.

At nalaman din nami na sobrang hands-on si Allen bilang tatay sa apat na anak at higit sa lahat, disciplinarian siya.

“Namamalo ako hanggang ngayon. ‘Yung dalaga hindi na masyado, ‘yung pangalawa, pangatlo pinapalo ko sa puwet para matakot. Kasi mga bata ngayon hindi na sila natatakot at gumagamit sila ng po at opo.

“Wala silang gadgets at all. Every Friday and Saturday lang sila gumagamit ng cellphone pag walang pasok. Pag-Sunday hindi na kasi may pasok na kinabukasan,” kuwento ng aktor.

Nakagugulat dahil paano kung may emergency, “iniiwan namin ang cellphone sa mommy nila lang, sa school naman may teachers naman, tapos hindi sila pinalalabas ng school hanggang walang sundo saka malapit lang naman ang school, 10 minutes away sa bahay.”

Dagdag pa, “last month (November) lang sila nagkaroon ng cellphone, wala rin silang social media accounts. Pag may research, may Ipad silang ginagamit pero may oras din ‘yun.”

Bakit naging open na ngayon si Allen sa buhay niya na dati’y ayaw niyang banggitin ang pamilya.

“Gusto ko private life lang, kasi noon pag sinabi ko marami pang tanong. Gusto ko tahimik lang,” katwiran ng aktor.

Anyway, mapapanood na ang Mindanao sa Disyembre 25 mula sa direksyon ni Brillante Mendoza sa pangunguna nina Judy Ann at Allen.

-Reggee Bonoan