INIURONG ang petsa ng pagsasagawa ng 10th ASEAN Paragames sa Marso mula sa orihinal na takdang araw na Enero 18 hanggang 25.

Mismong si Philippine Paralympic Committee President Michael Barredo ang nagkumpirma sa naturang desisyon sa panayam kahapon.

Inihain ng Philippine Sports Commission (PSC) sa PPC ang kasalukuyang sitwasyon gayung may kakulangan sa pondo at mga pangunahing pangangailangan, kung kaya minarapat na lamang na iurong sa Marso ang nasabing kompetisyon.

Sinabi ni Barredo na may mga bagay na hindi maiiwasan pagdating sa pagpaplano ng isang malaking event gaya ng 30th SEA Games na natapos nitong Disyembre 11 at ng ASEAN Paragames.

Ang dalawang kompetisyon ay sabay na pinagplanuhan ng nasaing ahensiya ngunit kinailangan na maiurong ang ASEAN Paragames, sa ilang di maiiwasan na kadahilanan.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“While we have made every effort to prepare the Games in the past 1 and a half years, matters well beyond our control are compelling us to reschedule the event,” pahayag ng PPC chief na si Barredo. “To be able to have enough time for financial and logistical matters to be settled,” dagdag pa niya.

Samantala, naiparating na ng pamunuan ng PPC ang nasabing pagbabago sa ASEAN Para Sports Federation, kung saan hiniling ng mga ito sa PSC na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga ASEAN counterparts o mga kalahok na bansa upang malaman nila ang tungkol dito.

-Annie Abad