PINATAOB ng UAAP junior champion National University ang reigning NCAA titlist San Beda University,105-80,para tanghaling unang back-to-back champion ng Philippine Secondary Schools Basketball Championship-Freego Cup nitong Huwebes ng hapon sa SGS Stadium sa Quezon City.

Sa pamumuno ni Gerry Abadiano, tuluyang kumalas ang Bullpups sa third period at maagang sinelyuhan ang panalo matapos palobohin ang bentahe nila sa 80-54.

Sa third quarter pa lamang ay may 29 puntos na ang 5-foot-11 na si Abadiano na tumapos na may 35 puntos. Sinundan sya ni Terrence Fortea na may 23 puntos, Carl Tamayo na may 14 puntos at Kevin Quiambao na may 12 puntos.

Nagawang depensahan ng Bullpups si Red Cubs star at back-to-back tournament MVP Justine Sanchez na nalimitahan nila s to just three points. Tinanghal namang Finals MVP ng torneo na suportado rin ng Molten, Gerry’s Grill, Cherrylume, Sumo GI Sheet at Choi Garden.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Tumapos namang pangatlo ang Far Eastern University matapos talunin ang Ateneo, 82-76.

-Marivic Awitan