“Panoorin ninyo 3x a day para maraming views at magkaroon kami ng 2nd season,” ito ang paanyaya ni Yam Concepcion pagkatapos ng Uncoupling screening/digicon na ginanap sa 9501 nitong Martes.

YAM1

Kuwento ng mag-asawang naghiwalay dahil nahuling may ibang babae si mister pero hindi naman tanggap ng mga magulang nila at pilit silang pinagkakasundo pa.

Mapapanood na simula ngayong araw, Disyembre 20 ang digi-series na Uncoupling sa pangunguna ni Yam bilang Dra. Alex at si Joseph Marco as Carlo produced ng iWant at Big Reveal Entertainment mula sa direksyon ni Dwein Baltazar na siya ring direkrtor ng isa sa most viewed series na Past, Present, Perfect.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tapat na asawa ang karakter ni Yam kaya nagkatawanan ang lahat ng banggitin ng aktres ang, “Siyempre, nakakamiss din maging mistress!”

Ang tinutukoy ni Yam ay ang karakter niyang si Jade sa teleseryeng Halik kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos at Sam Milby.

Dagdag pa, “Nakakamiss din, sobrang grabe yung investment ‘yung character ko kay Jade, so iba siya.

“Iba rin itong bagong baby ko na si Dr. Alex kasi bawat character na ibinibigay po sa akin, I take care of it, parang mga baby ko.

“So this one, she’s different, medyo funky siya na nakakatawa na normal na tao na nagmahal.”

Oo nga, nakakatawa ang karakter ni Yam at napaka-natural ng dating kaya sabi namin na’uy, nag-improve na acting mo ha,’ at sinagot kami ng, “talaga ba?”

May eksenang nag-enrol ng yoga si Yam kasama si Cholo Barretto na tuwang-tuwa kami dahil ang galing-galing niyang gumanap na bading at kung hindi kami nagkakamali ay unang beses yata niya ito, in fairness ang husay.

Going back to Yam na nagyo-yoga ay na-attact siya sa kanyang yoga instructor kaya tinanong namin kung nangyari na ito sa kanya.

“Dati nag-yoga ako, pero sandali lang kasi nu’ng napanood ko sa YouTube ‘yung bikram umayaw na ako, hindi ko pa naman naranasang ma-attract sa instructor ko,”sambit ng dalaga.

Mukha naman dahil going 5 years na sila ng kanyang boyfriend na nasa Amerika at kahit LDR (long distance relationshiop) sila ay hindi naman nakakaapekto dahil parati silang may komunikasyon at kung may libreng oras ang aktres ay dinadalaw niya ang bf sa US.

May plano na ba silang i-level up ang relasyon nila, “wala pang plano, sasabihan kita pag meron na. Marami pa kasi akong gagawin, may movie ‘yung Nightshift kay Direk Yam (Laranas) next year ipalalabas, tapos ‘yung Love Thy Woman (serye),”saad ng dalaga.,

Tinanong namin kung hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ni Yam na manood ng love scene niya ang boyfriend.

“Hindi! Hanggang ngayon, hindi pa rin ayaw ko, the less you know, the better, di ba?” nakangiting sabi ni Yam.

Walang TFC (The Filipino Channel) o hindi nagso-social media ang boyfriend niya, “hindi siya mahilig manood, nakikita rin niya (sa social media), pero dedma-dedma na lang, nasanay na rin.”

Samantala, habang umeere sa iWant ang Uncoupling na puwedeng panoorin anumang oras at araw ay sa 2020 naman mapapanood na ang teleseryeng Love Thy Woman kasama sina Xian Lim at Kim Chiu.

Ang nasabing serye ang iniwan ni Erich Gonzales kaya lumalabas na second choice si Yam at okay lang sa kanya dahil project o trabaho ito.

Pero kaagad klinaro ng dalaga na pinili siya at hindi second choice, “Actually, ‘di ba, si Erich yata ang umalis?

“So, technically, I don’t think I’m the second choice because ako ‘yung pinili nilang una to replace her.

“So, nakakataba rin ng puso na ipinagkatiwala sa akin ni Sir Deo (Endrinal) ‘yung project na ito.

“Actually, pumunta sila sa VIVA, yung team nila ang pumunta sa VIVA. Nag-meeting, iprinesent nila ‘yung story sa akin.

“Actually, hindi ko pa nga alam na si Erich ‘yung original noong pinuntahan nila ako. Nagpakipot muna ako, siyempre, pero game na ako!

“Siyempre project, pero nagpakipot muna ako, ‘Give me the script muna, basahin ko muna.’ So, anyway, the next day, I told them.”

Sobrang grateful si Yam sa mga natatanggap niyang offers at nakaka-trabaho pa niya ang mga mahuhusay na artista tulad ni Eula Valdes na inaming idolo niya.

“This is a good opportunity also. Makakatrabaho ko ‘yung mga batikang aktres na si Eula Valdes, idol kong number one because of Pangako Sa ‘Yo, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz. Wow! Mga bigating artista.

“I’m sure this will be a good experience for me and I’ll learn a lot also. And ‘yun bago na naman, bagong environment, bagong project, bagong character, so I think this will help my growth as an actress,”pahayag ng aktres.

Ibinuking din ni Yam na mas matindi pa kay Jade ang role niya sa Love Thy Woman dahil: “Hindi naman sinabi na magiging kontrabida pero I’ll probably cause the chaos in the story. I think she’s pretty bad, sa pagkakakilala ko kay Dana Wong.

“Kasi third week na kaming nagte-taping. Ano ba ‘tong character? Krung-krung din, mas baliw pa kay Jade! Pero ito, mayaman naman siya kaya iba na naman,”tumatawang sabi ni Yam.

-REGGEE BONOAN