DUMAGSA ang mga koponan mula sa eskwelahan at club-based squad para lumahok sa Philippine Volleyball Federation-TANDUAY ATHLETICS U18 Beach Volleyball Championships bukas (Dec. 22) sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City.

CANTADA: Para sa grassroots development.
Sa kasalukuyan, kumpirmadong sasalang ang mga koponan mula sa Pangasinan; SJDM, Valenzuela and Baliuag Bulacan; Orani and Balanga, Bataan; Bacoor, Cavite; Muntinlupa, Rizal; Cabanatuan, Nueva Ecija; Mandaluyong City; at Pasay City.
Inaasahan ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na madadagdagan pa ang mga lahok bago ang itinakdang deadline. Tulad sa mga nakalipas na programa ng PVF, walang bayad ang paglahok para sa lahat.
Sinabi ni Cantada na nakahanda rin ang complimentary breakfast, lunch at dinner para sa lahat ng atleta, opisyal at panauhin. Asahan na pampalamig na inumin mula sa Vitamilk, Nestea at Summit Water.
Para sa mga koponan na magmumula sa malayong lalawigan, naghihintay din ang libreng room accommodation sa torneo na itinataguyod din ng Tanduay Athletics, Vitamilk at Toyota Marilao.