TATANGKAIN ni Arena Grandmaster (AGM) Robert Suelo Jr. ang panibagong titulo sa Singapore bago matapos ang taong ito.
Ang 1996 Philippine Junior Champion at dating top player ng Barangay Malamig, Rizal Technological University Chess Team sa Mandaluyong City ay sasabak sa Asean Chess Academy (ACA) Christmas rapid chess championship sa Disyembre 22, 2019 na gaganapin sa Upper Bukit Timah Road, Timah Shopping Centre sa Singapore.
Kilala sa tawag na “Nonoy” (na ang kahulugan ay maliit na bata) sa mundo ng chess na nagsasabing handa at kumpiyansa siya. “ I am ready” aniya.
Nakatakda ding masilayan si Suelo sa January 5 New Year Rapid at January 19 Leong@64 Rapid chess championship.
Sariwa pa si Suelo sa kampeonato ng 3rd KIMMA Open Chess Tournament 2019 na ginanap sa Metro Mall PUDU, Fraser Business Park, Jalan PUDU 2, Kuala Lumpur, Malaysia nitong Nobyembre 17, 2019.
Si Suelo ay aktibong miyembro ng International Churches of Christ sa Singapore.