SALAMAT, TATAY!
Ni Beth Camia
TUNAY ang malasakit at pagpapahalaga ng Pangulong Duterte sa atletang Pinoy. At sa pagnanais na maibigay sa kanilang ang kinakailangang suportang pinansiyal,maging ang bangko ng pamahalaan ay handang ‘holdapin’ ni Digong – syempre sa nakasanayang pabirong pananalita ni PRRD.
Umani ng palakpakan at tawanan ang pabirong pahayag ng Pangulong Duterte mula sa mga atleta, opisyal at bisita na nakiisa sa isinagawang ‘Parangal sa Atletang Pilipino’ nitong Miyerkoles sa Heroes Hall ng Malacanang.
Bukod sa dagdag na ‘cash incentives’, binigyan ng Pangulong Duterte ng ‘Order of Lapu-Lapu’ ang mga medalists sa katatapos na 30th Southeast Asian Games kung saan nakamit muli ng Team Philippines ang overall championship tangan ang 149 gintong medalya.
“Siguro sa isang atleta mag-training, magkano ang allowance? Mga 250,000 a month. Okay na siguro ‘yan?,” ayon sa Pangulo.
Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang naghahati-hati ang nga atleta sa maliit na allowance. Nais din niya taasan ang budget sa pagkain ng atleta kasabay ng pangako na pagsusumikapan niyang makalikom ng pondo para sa kanila.
“So that’s why we have to seek sanctuary in the many human activities, sports. Kaya sabi ko mabuti’t na lang… Well, we can — we can… Ako, I’ll try to — to talk things over with Congress. ‘Yung allowance ninyo. Dapat ‘yung pagkain libre na. ‘Yung allowance ninyo, allowance na ninyo ‘yan. You do not have to share with your…,” ayon sa Pangulo.
Ayon sa Pangulo, maglalaan siya ng P100 milyong para sa mga atleta na lalaban sa Olympics at kukunin aniya ang pondo sa PAGCOR.
Ginawaran ng Pangulo ng ‘Order of Lapu-Lapu’ ang mga Filipino athletes at binigyan ng cash incentives na tig P250,000 (gold medalist), P150,000 (silver) at P100,000 (bronze).
Bukod to sa itinatakda ng batas na cash incentives na P300,000 sa gold medalist P150,000 sa silver medalist at P60,000 sa bronze medalist. Nitong Martes, nagbigay din ng hiwalay na cash incentives si Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Bambol Tolentino.
Sinamahan ni Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, ang national team sa courtesy call sa Rizal Hall ng Malacanang Palace.
Sumaksi rin sa parangal sina Executive Secretary Salvador Medialdea, POC president Cong. Bambol Tolentino, Philippine SEAG Organizing Committee Chairman and House Speaker Alan Peter Cayetano, Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin and Charles Maxey along with the presidents and secretaries general of the different national sports associations.
“We’re lucky to have a partner in PAGCOR and the President who support us fully and has a big heart for our athletes,” sambit ni Ramirez.
Sa panahon ni Duterte, nakamait ng atletang Pinoy ang kinakailangang suporta sa aspeto ng nutrition, mataas na allowances, refurbished facilities, bagong kagamitan at sapat na pondo para sa kanilang pagsasanay at pagsabak sa torneo sa abroad.
“When we came in, the athletes received on P5000 meal allowance. Now on top of that they also get P25,000 worth of nutrition support monthly,” sambit ni Ramirez.