NOONG huling beses na nagkaroon ng survey hinggil sa opinyon ng publiko para sa hakbang na amyendahan ang konstitusyon, malaking mayorya ng 67 porsiyento—halos pito sa bawat sampung Pilipino—ang kontra sa Charter change ng mga panahong iyon. Isinagawa ang survey ng Pulse Asia noong Hunyo 2019. Higit pang lumaki ang bilang ng pagkontra sa Charter changer mula sa 64 porsiyentong naitala sa survey noong Marso.
Sa partikular na isyu ng pagpapalit sa kasalukuyang unitary system ng pamahalaan tungo sa sistemang federal, lumabas na 62 porsiyento ang tutol sa pagbabagong ito.
Sa kabila ng malinaw na ebidensiya ng malaking patutol sa Charter changer sa panahong ito, tuloy ang hakbang ng Kamara de Representantes na isulong ang pagbabagong ito. Nitong Disyembre 11, inaprubahan ng House Committee on Constitutional Amendments ang isang resolusyon na humihinging amyendahan ang termino sa opisina ng mga mambabatas at lokal na mga opisyal at ilang mga ekonomikal na probisyon ng kasalukuyang Konstitusyon.
Iminungkahi ng komiteng pinamumunuan ni Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City na magkaroon ang mga senador, kongresista, at mga lokal na opisyal ng limang taong termino, na may dalawang posibleng reelection. Sa kasalukuyan, ang isang senador ay may anim na taong termino, na may isang posibleng reelection. Ang isang kongresista naman ay may tatlong taong termino na may dalawang posibleng reelection. Habang ang isang lokal na opisyal ay may tatlong taong termino na may dalawang posibleng reelection. Malinaw, na punto ng panukang pababagong ito, na hindi pratikal ang kasalukuyang tatlong taong termino, lalo’t ang unang taon ay pagsasanay pa lamang habang ang ikatlo at huling taon ay nagagamit para sa pagpaplano ng reelection, at isang taon na lamang ang natitira para sa tunay na gawain.
Iminumungkahi ng komite na sa halip na pambansang botohan para sa mga kongresista. Dapat silang ihalal ng bawat rehiyon—tatlong kinatawan para sa siyam na panukalang rehiyon, upang masiguro ang patas na representasyon ng iba’t ibang rehiyon. Sa kasalukuyan Senado, ipinunto ni Rodriguez na 12 miyembro nito ang mula sa Metro Manila.
Iminungkahi rin ng komite na ang salitang “unless otherwise provided by law” ay idikit sa economic provision ng kasalukuyang Konstitusyon na ngayo’y naglilimita sa pag-aari ng mga dayuhan ng mga lupain, paggalugad sa likas na yaman, public utilities, mass media, advertising at edukasyon.
Hindi na malakas ang pagsusulong ng Kamara sa federalismo. Federalismo ang orihinal na isinusulong ni Pangulong Duterte upang magkaroon umano ng mas malaking pag-unlad sa mga rehiyon, lalo na sa Muslim Mindanao. Naitatag na ang Bangsamoro Autonomous Region at patuloy na kumikilos para sa mabilis nitong pag-unlad at higit na awtonomiya sa pamamahala, kahit pa ‘di maipatupad ang federalismo.
Sinabi ni Congressman Rodriguez na ang mungkahi ng kanilang komite ay isusumite na nila sa entire chamber para sa pagpapatibay ng “three-fouths” na boto ng Kamara bilang bahagi ng isang Constituent Assembly. Nanawagan siya sa Senado na magdaos rin ng pulong lalo’t ang kabilang kapulungan ng Constituent Assembly ay naaprubahan ang sarili nitong panukalang pag-amyenda.
Malamig ang Senado sa anumang uri ng pag-amyenda sa Konstitusyon. Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi niya alam na isinusulong pa rin ng Kamara ang hakbang para sa constitutional change, sa gitna ng mga lumabas na resulta ng pag-aaral na ang pagpasok sa isang federal na sistema ay lilikha lamang ng panibagong suson ng burukrasya na mangangailangan ng bilyun-bilyong piso na hindi kakayanin ng pamahalaan.
At nariyan sin ang resulta ng mga opinion survey na nagpapakita na hindi suportado ng mga mamamayan ang anumang konstitusyunal na pagbabago ngayon.