SINIMULAN na nitong Lunes ng Department of Health sa Region 4-A (Calabarzon) ang programang telemedicine na layong mapaganda ang health service delivery sa tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) sa rehiyon.

Ayon kay DOH Calabarzon director Eduardo Janairo, ang Medical Call Consultation (MCC), ay magkakaloob ng maayos na medical treatment at pagkalinga sa mga pasyenteng sa pamamahigan ng paggamit ng care advanced Information and Communication Technologies (ICT).

“Dahil sila ay mabibigyan na mismo ng serbisyo sa kanilang lugar at hindi na nila kailangang tumawid ng dagat at maglakad ng ilang bundok upang makapunta sa pinakamalapit na ospital(Because they will be served in their area, without the burden of crossing the seas or walking through mountains just to get to the nearest hospital),” pahayag ni Janairo.

Sakop ng MCC service ang pagtatalaga ng mga telehealth kits (mobile phones) kung saan kabilang ang libreng tawag sa landline sa mga nominated area code, broadband, KonsultaMD License, access sa 24/7 sa mga lisensyadong Pilipinong doktor, payong medikal at primary care guidance, medicine e-prescriptions.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gamit din ang serbisyong ito, kakalapin ang mga datos ng pasyente upang mapamahalaan ang follow-up at tuloy-tuloy na pangangalaga sa pamamagitan ng documented call consult kasama ng tulong ng mga barangay health worker upang makamit ang patuloy na pagkalinga.

Sa pamamagitan ng serbisyo, sinabi ni Janairo na hindi na mahihirapan ang mga pasyente dail matututukan na ang kanilang mga sakit.

Nagkaroon na ang proyekto ng pilot run mula February hanggang June 2019 sa 10 barangays sa Quezon province at nakapagtala ng 286 tawag mula sa mga residente na may kaso ng ubo, sipon, edema/skin lesions/skin rash, shoulder at back pain, lagnat at dizziness/headache, at iba pa.

Samantala, nitong Lunes lumagda na sa isang kasunduan ang DOH-Calabarzon at Innove Communications Inc. para sa proyekto.

Magkakaloob naman ang Innove ng 180 voice telehealth kits para sa rollout implementationng proyekto, na nakadisenyo sa dalawang bahagi—mula December 2019 hanggang December 2021 para sa phase 1 (80 units) at Abril 2020 hanggang Abril 2022 para sa phase 2 (100 units).

PNA