MANGARAP rin lang, tayugan na.

MASAGANANG pananghalian ang pinagsaluhan ng mga atletang Pinoy sa bagong gawang ‘Athlete’s Dining Area’ sa Philippine Sports Commission (PSC) bago tumulak ang grupo patungong Malacanang kahapon para tanggapin ang parangal at cash incentives mula kay Pangulong Duterte. Sinamahan ang grupo ng PSC Board, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez. (kabuuang istorya sa Pahina 15) (PSC PHOTO)

MASAGANANG pananghalian ang pinagsaluhan ng mga atletang Pinoy sa bagong gawang ‘Athlete’s Dining Area’ sa Philippine Sports Commission (PSC) bago tumulak ang grupo patungong Malacanang kahapon para tanggapin ang parangal at cash incentives mula kay Pangulong Duterte. Sinamahan ang grupo ng PSC Board, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez. (kabuuang istorya sa Pahina 15) (PSC PHOTO)

Ito ang pabirong pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino hingil sa ‘future’ ng ultra-modern New Clark City sa Tarlac.

Ngunit, sa aspeto ng hosting para sa 2030 Asian Games, seryoso ang Tagaytay City Congressman.

Sinabi ni Tolentino na sasamantalahin niya ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Olympic Council of Asia (OCA) upang pormal na isumite ang ‘hosting intention letter’ ng Pilipinas para sa 2030 Asian Games.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

“Bakit hindi? Kaya na nating mag-host ng Asian Games. Meron tayong pasilidad. Nakita natin na kayang-kaya nating i-organized ang malaking events, sapat ang ating kaalaman at malakas ang ating volunterism,” sambit ni Tolentino nitong Martes bago pangunahan ang pagbibigay ng cash incentives sa mga atletang Pinoy na nagwagi ng medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

“Nakita naman po ninyo ang New Clark City, modern ang track oval, may world-class swimming pook tayo at hindi matatawaran an gating Athletes Village. May malaki pang espasyo ng lupa na puweden tayuan ng iba pang pasilidad, tulad ng basketball, gymnastics at volleyball. Marami pa tayong puwedeng magawa para masiguro na rin na hindi magiging ‘white elephant’ ang New Clark City,” pahayag ni Tolentino.

“‘Pag nakakuha ng flight sa Jakarta, doon ko isa-submit ang bid. Darating kasi yung OCA (Olympic Council of Asia),” aniya.

Sa Pilipinas ginanap ang unang Asian Games may 80 taon na ang nakalilipas, ngunit nang panahon na yun kaunti lamang ang bansang miyembro hindi tulad ng modernong Asiad na may kabuuang 45 bansa.

Ngunit, kumpiyansa si Tolentino na may kakayahan ang Pilipinas para sa Asiad hosting.

“Marunong na mga workforce natin. Mga volunteers, alam na nila. Dagdag training lang eh kayang-kaya natin yan,” aniya.

Nakatakdang ganaping ang 2022 Asiad sa China (Hangzhou), habang ang Japan (Nagoya) ang host sa 2026.

Tulad ng inaasahan, abot-tainga ang ngiti ng mga bayaning atleta matapos matanggap ang cash incentives mula sa Olympic body. Kabuuang 149 gintong medalya ang napagwagihan ng Pinoy sa biennial meet.

“Noong nakaraang taon, sa pamumuno ni dating POC President Ricky Vargas, tayo po ay nakapagbigay ng mahigit P14M bilang incentives para sa mga nagwagi sa Asian Games at Youth Olympic Games,” pahayag ni Tolentino.

“Ngayon po naman, for the first time in Philippine SEA Games history, ating ginagantimpalaan ang ating mga magigiting na atleta sa pamamagitan ng mga cash incentives,” he added.

Kabuuang P33 milyon ang naipamigay ng POC bilang cash incentives kung saan sina gymnast Carlos Yulo, wushu jin Agatha Wong at skateboarder Margilyn Didal angmay pinakamalaking natanggap bilang double gold medalist.

Nagbigay ng P200,000 ang POC para sa individual gold medalist at P50,000 hanggang P75,000 sa team sports.

“Siyempre iba ‘yung formula ng team, if you’re gold medal, like basketball players, you have 14 players, di naman P200k bawat isa. Ganoon rin naman yung sa PSC. May formula yun, 25% of the basic. So kung 25% of 300k, that’s how much, 75k?” sambit ni Tolentino.

-Edwin Rollon