ANG sports tourism ang itinuturing na dahilan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dumaguete, para sa tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng mga turista para sa nakalipas na tatlong taon.

Sa isang datos na inilabas ng City Public Information Office nitong weekend lumalabas na lumago ang bilang ng pagdating ng mga turista mula 529,414 noong 2016 at 651,115 noong 2017 at 704,689 sa 2018 dahil sa pagsusulong ng sports tourism.

Ayon kay Mayor Felipe Antonio Remollo gumanda ang bilang ng mga turistang dumarating dahil sa mga sporting event na pinamahalaan ng Dumaguete City at ng probinsiya ng Negros Oriental sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon.

Tumutukoy ang sports tourism sa paglalakbay, para sa paglahok o pagbisita sa mga sporting event, na ngayong maituturing na fast-growing industry at nagpapalago sa lokal na ekonomiya ng host na lugar.

Ayon kay Remollo, nangangahulugan ang pagtaas ng bilang ng mga turista, nang mas mataas na occupancy rates sa mga hotel at resorts, mas malaking demand sa pagkain, supplies, transportation service, at ang labor na nakaaapekto maging sa mga ordinaryong negosyante.

Noong 2017 at 2018, kinilala ang Dumaguete City bilang Philippines Best Sports Tourism Organizer at Runner-up sa Sports Tourism Destination sa bansa noong 2017.

Hindi lamang nakatulong ang sports tourism sa Dumaguete, Negros Oriental, at sa Pilipinas bilang kabuuan sa internasyunal na mapa ngunit nakalikom din tayo ng kita at nakalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Kamakailan lamang, Pilipinas ang naging host ng 30th Southeast Asian Games, na ayon sa Department of Tourism, ay nagdala ng higit P500 million kita ang nakatakdang mag-host ng Asean Schools Games, na inaasahang makaaakit hindi lamang ng daan-daang mga magagaling na student-athletes mula sa 11-miyembrong bansa ng Southeast Asia ngunit gayundin sa libu-libong mga tagahanga, pamilya at mga turista.

PNA