SA thanksgiving lunch ni Senator Lito Lapid para sa entertainment press, nagkaroon siya ng reunion sa kanila, na nakasama na niya simula nang pumasok siya sa showbiz, na inamin niyang malaki ang naitulong nila sa kanya bilang artista, hanggang sa pasukin niya ang pulitika.
Present din ang kanyang discoverer at mentor, si Jesse Chua ng dating Mirick Productions at ang kanyang first PRO na si Letty Celi. Masaya si Letty na muling makita si Jesse Chua at si Sen. Lito dahil kasalukuyan pa siyang nagpapagamot sa ilang karamdaman niya at ang pagpapaopera niya ng kanyang eye cataract.
Pasasalamat daw lamang at hindi trabaho ang tanghalian na iyon, pero kinulit pa rin si Sen. Lito na tanungin tungkol sa showbiz. Matatandaan na matagal ding napanood si Sen. Lito sa Ang Probinsyano at nakagawa rin siya ng ilang movies last year kahit special participation lamang.
Isa sa nabanggit ni Sen. Lito at ng anak niyang si Mark Lapid, ay ang balak nilang paggawa ng isang movie na gagampanan ng mga action stars noon at ngayon, kasama si Senator Manny Pacquiao. Sabi’y may mga nag-confirm nang willing silang maging bahagi ng movie, like Senator Bong Revilla, Robin Padilla, at hinihintay pa raw nila ang sagot ni Phillip Salvador. Sino kaya sa kanila ang magiging producer?
Sana ay matuloy ito at hindi matulad sa binalak na gawing movie ang buhay ng isang hero na si General Malvar. Balita ay shelved na ito matapos magpa-audition ng mga artistang bubuo sa movie, matapos malaman na wala namang palang pera ang producer.
Si Senator Lito Lapid ay kilala bilang “Pinuno ng Probinsyano” at almost 30 years na siyang nasa public service, simula pa nang maging Vice Governor at Governor ng Pampanga for nine years at 12 years na siyang naglilingkod bilang Senador from 2004 to 2016. Muli siyang nahalal na senador noong 2016.
-NORA V. CALDERON