PINANGUNAHAN ni Jayjay Helterbrand ang hataw para sa Imus-Khaleb Shawarma sa larong tila huling season para sa dating Ginebra star.

UMAASA si Jayjay Helterbrand na mananatili sa kampon ng Imus.

UMAASA si Jayjay Helterbrand na mananatili sa kampon ng Imus.

“I’m just enjoying our remaining games here in Imus,” pahayag ng six-time PBA champion. “So proud of these guys.”

Wala pang katiyakan kung makakakuha ng bagong kontrata ang star point guard.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sa homegrown player, nangibabaw si John Cantimbuhan.

Hataw ang 23-anyos at dating La sale-Dasmarinas mainstay sa naiskor na 10 puntos para sandigan ang Khaleb Shawarma sa 86-71 panalo kontra Navotas Uni-Pak Sardines, 86-71, sa Imus Sports Complex dito.

“Nung pagpasok ko dito sa Imus, hindi ko pa masyado kilala si John pero sabi ko bibigyan ko ito ng chance lalo na’t home game ito. Maganda yung umpisa niya kanina kaya sabi ko sa kanya makukuha natin ito, ang ganda ng laro mo,” pahayag ni Imus coach Raymond Valenzona.

“Inistart ko si Ghed at John kasi sabi ko iba rin kapag taga dito ka, iba yung puso nila eh kaya iba yung boost nila kaya ginamit ko sila, inistart ko sila. Alam kong gusto nilang ipakita dito sa lugar nila na karapat dapat sila,” aniya.

Iskor:

IMUS KHALEB SHAWARMA (86) - Cunanan 20, Nacpil 16, Cantimbuhan 10, Vito 9, Helterbrand 9, Deles 4, Ng Sang 4, Ong 4, Gonzaga 3, Munsayac 3, Arellano 2, Cawaling 2, Lim 0, Morales 0.

NAVOTAS UNI-PAK SARDINES (71) - Abdurasad 11, Melegrito 10, Gonzales 9, Guillen 8, Evangelista 7, Prudente 4, Mamaclay 4, Matillano 4, Cabahug 4, Escobal 3, Taywan 3, Andaya 2, Bautista 2, Soriano 0.

Quarterscores: 29-16, 50-33, 66-49, 86-71.