MAIIBA ang pagdiriwang ng pasko para kay Aga and family. To the max ang pagpo-promote niya ng Miracle In Cell No. 7 the official entry ng Viva Films for the annual MMFF event which starts on Christmas day. Twenty six years ago nang huling maging bahagi si Aga sa “Parade Of Stars” and this time kasama niya si Charlene and the twins-Andres at Atasha sa float a festive experience for the entire family. Okey ba kay Aga na mag-artista ang mga anak niya?

aga1

“Kung gusto nila ay hindi ko sila pipigilan. Binuhay ko sila through acting. But I like them to finish their studies. Kung ako lang. I want to protect them. Showbiz can be cruel at ayoko silang masaktan. Ang final decision ay nasa kanila.”

Special kay Aga ang Miracle In Cell No.7 which was graded A ng Cinema Evaluation Board. This is the local adaptation ng Korean drama na bahagyang binago to achieve a Pinoy flavor.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Aga plays the disabled Joselito na nabilanggo sa salang hindi niya ginawa. Sa bilangguan ay tinulungan siya ng mga cell mates na muling makita ang pinakamamahal niyang anak delightfully played by Xia Vigor.

Para kay Aga, ang Miracle In Cell No. 7 is one of the best films na nagawa niya in his entire career. No less than Korean actor himself Ryu Seung-Ryong ay sabik panuorin ang Pinoy adaptation ng pelikulang kanyang orihinal na pinagbidahan.

-REMY UMEREZ