SA nalalapit na pagtatapos ng The Killer Bride teleserye sa 2020 ni Maja Salvador ay inamin nitong marami pang aabangan ang manonood dahil maraming pasabog pa ang magaganap.

KILLER BRIDE

Pinasalamatan ng lead actress ng TKB ang lahat ng tumulong para maging maingay sa social media at print media ang serye nila dahil lagi itong napag-uusapan ng lahat at inabangan ang journey nina Camila (Maja), Vito (Geoff Eigenmann), Emma (Janella Salvador), at Elias (Joshua Garcia).

Sa tumatakbong kuwento ng The Killer Bride ay nabunyag nang si Alice (Precious Lara Quigaman) ang killer at ang groom ay iisa dahilan para sama-sama nilang patumbahin ang kinakatakutang kalaban sa nalalapit na pagtatapos ng serye.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tuluyan ng tinapos ang espekulasyon ng mga manonood noong Biyernes (Disyembre 13) sa paglitaw ni Alice bilang ang killer groom na walang habas na pumatay ng mga inosenteng tao sa Las Espadas. Pero ang pagkakabulgar ng kanyang pagkatao ay hindi makakapigil sa masasama niyang plano, lalo na sa paghihiganti niya laban kay Camila.

Kaninong buhay nga kaya ang susunod na malalagay sa peligro?

Anyway, mas marami pang karumal-dumal at kontrobersyal na krimen sa Las Espadas ang mauungkat dahil napapanood na ngayon ang extended version ng serye na The Killer Bride: Killer Cuts sa iWant.

Mapapanood na ang The Killer Bride: Killer Cuts ang unrated at uncensored na mga eksena ng primetime serye na magbubunyag sa mga sikretong pilit gumugulo sa isipan ng mga manonood at magdadala sa kanila sa malagim na huling sandali ng mga karakter sa serye.

Dapat ding abangan ang paglipad ng sky lanterns sa palabas dahil sa bawat paglipad nito, isang buhay ang mawawala. Ito rin ang simbolong dapat tutukan ng mga manonood sa pagpunta nila sa iWant dahil ang episodes na may logo ng sky lantern ang naglalaman ng Killer Cuts.

As expected, nangunguna sa national TV ratings tuwing gabi ang serye at kamakailan ay nagkamit ito ng all-time high national TV rating na 25.6%, ayon sa datos ng Kantar Media.

-REGGEE BONOAN