MULA sa 64 contenders ng talent search ng GMA Network, ang The Clash season two, pagkatapos ng 13 linggo nang mahigpit na paglalaban hanggang sa umabot sa Final 5 Clashers, si Jeremiah Tiangco ang tinanghal na The Clash 2019 grand champion nitong Linggo, December 15, sa Studio 7 ng GMA Network Annex building.
Nakalaban sa pagpapakita ng husay sa pagkanta at magandang boses ni Jeremiah, sina Nef Medina, Antonette Tismo, Jennifer Maravilla at Thea Astley. Pagkatapos nilang umawit, muling naglaban sina Jeremiah at Thea. In fairness, kahit sino sa kanilang dalawa ay karapat-dapat namang manalo, pero ang nagwagi nga ay si Jeremiah.
Ang tagumpay ni Jeremiah ay hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang pamilya at mga kamag-anak.
“Iyon po ang goal ko nang sumali ako rito,” sabi ni Jeremiah sa interview pagkatapos ng grand finals. “Nang una akong sumali sa first season ng “The Clash,” ni hindi ako nakatungtong ng stage, pero hindi po ako nawalan ng loob na muli akong sumali. Mas pinaghusay ko ang pagkanta ko at ang gusto ko lamang ay makatulong ako sa aking pamilya. Nag-iisa po lamang akong anak, kaya ngayong kaya ko na, pag-aaralin ko ang pinsan ko na makatapos din ng college. Pauuwiin ko na rin po ang tatay ko na 19 years nang seaman para magkasama-sama na kami. Totoo pong napakaganda ng Pasko ko at labis-labis ang pasasalamat ko sa Diyos sa blessings na ito. Dininig po Niya ang mga dasal ko. Kaya tutuparin ko rin ang pangako ko sa Kanya na idu-donate ko ang part ng cash prize na pinanalunan ko. Marami pong salamat sa lahat ng mga sumuporta sa akin, kahit po sa mga bashers, salamat po, mas pinalakas ninyo ang loob ko. Hindi ko po kayo bibiguin, sa anumang ipagagawa sa akin ng GMA Network.”
Tumanggap si Jeremiah ng GMA Management contract, one million pesos cash, a brand new car at house and lot from Bria Homes.
Nagpanalo kay Jeremiah ang mga kinanta niyang I Believe I Can Fly, I Set Fire at I Believe na napansin ni Jeremiah after na pawang mga pasasalamat sa Diyos ang mga inawit niya.
This early, may mga fans na silang gustong maging magka-loveteam ni Thea at may name na sila: JerThea. When asked kung gusto rin niyang mag-artista, kung ano raw ang ibigay sa kanya ng GMA, pero gusto rin niyang mas mag-focus sa music.
Congratulations Jeremiah
-NORA V. CALDERON