MATAPOS ang ang matagumpay na kampanya ng Skateboarding sa katatapos na 30th Southeast Asia. Games, ang 2020 Tokyo Olympics naman ang pagtutuunan ng pansin ni Skateboarding and Roller Skate Sports Association of the Philippines ( SRSAP) president na si Monty Mendigoria.

“Back on the drawing board kami. After this, we will be aiming for Olympics na. Olympic year na pagdating ng January and we’re heading into 7 qualifiers for Margie and Kiko, “ pahayag ni Mendigoria.

Sinabi ni Mendigoria na bagama’t nasa kuntentong posisyon na Ang star skateboard athlete na si Margielyn Didal, ay nais pa rin nila na masiguro na hindi na mawawala sa kontensyon ang Cebuana pride.

“Margie is no. 13 sa world rankings pero we want to have a better, comfortable slot. At least top 10, or top 8, “aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kiko is trailing 3slots. No. 23 sya ngayon. Hahabol kami na makapasok ng top 20 para dalawang event natin mapasukan natin sa Olympics. Women’s street kay Margie at men’s park kay Kiko,” dagdag pa niya.

Aminado si Mendigoria na hindi madali para sa kanyang mga atleta na maka-ani ng puwesto sa Olimpiyada.

“It’s not gonna be easy because 7 competitions for Tokyo until May 2020,” ayon pa sa skateboarding chief. Margie is no. 13 sa world rankings pero we want to have a better, comfortable slot. At least top 10, or top 8,”aniya.

Sisimulan ngayong Enero Ng susunod na ton ang pito pang qualifiers Ang kailangan na Laro na para makasiguro ng puwesto sa 2020 Tokyo ang koponan.

“The remaining qualifiers will start January. The IF told me we still have 7 more ranking competitions towards Tokyo Olympics Medyo madugo kasi marami naghahabol.

Margie now in comfortable spot, we’d like to have better slot. More like no.8 – 5para di kami mahatak pababa,” aniya.

Nangako ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee para sa paghahanda Ng mga atleta Ng skateboarding.

-Annie Abad