TINANGGAP ni Quezon City Representative Alfred Vargas noong Biyernes ng gabi, December 13, ang tropeo ng pagkilala bilang Outstanding Young Men (TOYM) honouree for Public Service.

Cong. Alfred Vargas TOYM

Si Rep. Alfred ang napili dahil sa efforts niya in providing affordable house and lot to several communities sa kanyang lugar sa Quezon City.

“Hindi biro ang usapin ng pabahay at palupa rito sa Metro Manila, lalo na sa Quezon City at sa Novaliches na 60% ng mga residente ay mga informal settler families,” sabi ni Rep. Alfred. “Dumanas kami ng maraming pagsubok, pero dito ko natutunan na kailangan palang marinig ang mga boses ng mga maralitang taga-lunsod. Lahat ng mga malalaking bagay ay nagsisimula sa maliit at kailangan manindigan sa iyong prinsipyo.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isa pang dahilan sa pagkilala kay Rep. Alfred, ay ang pagiging principal advocate of the National Integrated Cancer Control Act (NICCA). Ang tinanggap na award ni Rep. Alfred ay dedicated niya sa kanyang ina na pumanaw dahil sa sakit na cancer noong 2014.

Ipinahayag ni Rep. Alfred na ang law on cancer prevention ay magtatayo ng centers sa buong bansa, para tumulong sa gobyerno sa pagtulong sa mga cancer patients na walang perang ipagpapagamot.

Si Rep. Alfred ay umabot pa sa age limit na 18-40 para mapili ng TOYM. Kasama ni Rep. Alfred na tumanggap ng TOYM award si Atom Araullo (Broadcast Journalism) at Noveleta, Cavite Mayor Dino Chua (Tourism).

Sa kabila ng pagiging abala ni Rep. Alfred sa trabaho sa Kongreso, hindi pa rin niya nalilimutan ang paggawa ng pelikula.

“Pero tumatanggap lamang ako ng offers kapag napasabay ito sa break ng session ng Congress. This year nakagawa ako ng dalawang pelikula, ang Kaputol with Cherie Gil at Angel Aquino, from the script of Ricky Lee. At ang pangalawa, ang Tagpuan na kasama ko sina Iza Calzado at Shaina Magdayao, kinunan namin ito sa Hong Kong at New York. Katatapos ko rin lamang mag-guest sa Magkaagaw afternoon prime drama series sa GMA Network.”

-NORA V. CALDERON