DINAIG ni Coco Martin ang mga kasama niyang artista sa pelikulang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na entry ng CCM Film Productions dahil may sarili siyang glam team.

COCO N JEN

Bukod kasi sa karakter ni Coco na si Pol Balbon, isang bodyguard, ay ginampanan din niya si Paloma, ang famous character sa aksyon-serye nitong FPJ’s Ang Probinsyano.

Natatawang kuwento ni Coco, “gusto ko kasi ibang Paloma ang mapapanood dito sa pelikula kasi nga nagawa ko na sa Ang Probinsyano. Iba’t ibang Paloma kasi dito kaya sasagarin ko na. Kaya ang pinakamahirap na pelikulang ginawa ko, itong 3pol in terms of being an actor kasi ang hirap magbihis babae, lahat ng looks ko iniba-iba ko, hindi ‘yung nag-make up lang, lahat iba contact lens, kuko lahat palit. Ako rin ‘yung pinaka-maaga sa set kasi one and a half hour akong m i n e - m a k e upan, tapos may inilalagay sa akin para maging seksi. Ang dami palang palaman-palaman ditong mga basahan, lahat ng pawis ko, hinigop ng basahan, nagkasugat-sugat ang katawan ko kasi may inilalagay na corset.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inaming napasubo si Coco na gampanan muli si Paloma dahil kay Jennylyn Mercado.

“Nu’ng i-pitch ko kasi kay Jennylyn ang concept, ‘sabi ko, Jen madali lang ‘yan, may eksena tayo magswi-swimming tayo, naka-swimsuit ka, tapos ako rin naka-swim suit at naka T-back. Siyempre sinabi ko ito kay Jen para pumayag siya. Kaya kailangan kong panindigan kasi mapapahiya naman ako sa kanya (Jennylyn) kapag hindi ko ginawa kaya ginawa na namin,”sabi pa ng aktor/direktor/producer/creative head ng pelikula.

Nabanggit din ni Coco na kasama sa 3pol Trobol: Huli ka Balbon! ang ibang co-stars niya sa Ang Probinsyano tulad nina Mark Lapid, PJ Endrinal, Pepe Herrera, John Prats, Carmi Martin, Smuglazz, Bassilyo, Sancho Vito, b at iba pa dahil gamay na niya ang mga ito at mahuhusay.

“Kasi siyempre, pag ikaw ang nagdidirek, ayaw mo nang isipin na magwo-workshop ka on the set o tuturuan mo pa. Siyempre, kung saan ka na mas kumportable, kilala na ang ugali mo, alam na nila ‘yung pacing mo, kumbaga, parang nagtatrabaho ako na katrabaho ko ang kapamilya ko.

“Kaya sila po ang lagi kong kasama-kasama sa kahit anon’g ginagawa ko. Saka sila po talaga, maasahan mo in terms of kahit saan – promo, lahat ng ano – hindi na kami nag-uusap-usap, automatic na ‘yan na nagkakaintindihan na po kami. Talagang higit pa sa barkada at pamilya ang turingan po namin,” pangangatwiran ni direk Coco.

-REGGEE BONOAN