HOUSTON (AP) — Abante ang Detroit Pistons papasok ng final period at alam ni coach Dwane Casey na kailangan nilang pigilan ang tiyak na paghahabol ng Houston Rockets.

At hindi siya napahiya kay Derrick Rose.

Hataw ang one-time MVP sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 10 sa final period para sandigan ang Pistons sa 115-107 panalo nitong Sabado (Linggo sa Manila).

“That’s what you’ve got to have and that’s what his league is about is having players that can create their own shot,” pahayag ni Casey. “And he did that. He was tough downs the stretch.”

Nag-ambag si Luke Kennard ng 22 puntos sa Pistons.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Kumasa ang Houston sa 9-2 run, tampok angthree-pointer ni Chris Clemons, para makadikit sa 112-107 may 41 segundo ang nalalabi. Ngunit, dalawang free throw ang naibuslo ni Tony Snell para kompletuhin ang panalo.

NUGGETS 110, THUNDER 102

Sa Denver, ratsada si Nikola Jokic na may 28 puntos, 14 rebounds at 12 assist para sa ika-apat na triple double ngayong season sa panalo ng Nuggets kontra Oklahoma City Thunder.

Sa kasalukuyan, ito ang ika-32 triple-double ni Jokic sa regular season.

Limang Denver starters ang umiskor ng double figures, kabilang si Will Barton na may 18 punts at Jamal Murray na may 14 puntos.

Nanguna si Dennis Schroder na may 22 puntos sa Thunder. Kumasa si Steven Adams sa naiskor na 18 puntos at tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 16 puntos para sa Oklahoma City. Nag-ambag si Chris Paul ng 15 puntos at 10 assists.

BULLS 109, CLIPPERS 106

Sa Chicago, nakabawi ang Bulls sa nakalipas na banderang-kapos nalaro nang gapiin ang Lons Angelkes Clippers.

Hataw si Zach LaVine sa natipang 11 puntos, tampok ang decisive three-point play para sa 109-106 bentahe tungo sa panalo laban sa short-handed at weary Los Angeles Clippers.

Naghabol ang Chicago ng limang puntos bago nakatabla sa 106-all. Nakumpleto ni LaVine ang three-point play 4 segundo ang nalalabi.

May pagkakataon ang Thunder na mag-ovetime ,ngunit sablay ang desperation shot ni Paul George sa buzzer.

“We made big plays,” pahayag ni LaVine.

“I think that’s what it comes down to, making plays.

“We’ve been playing good, but we just haven’t been able to get that win in the last two minutes, three minutes of the game. Hopefully, we can start stringing some together,” aniya.

Kumana si Lauri Markkanen ng 13 puntos at 17 rebounds, habang may naiskor si Thadius Young na may 17 puntos.

Nanguna sa Thunder si Harrell na may 30 puntos, habang tumipa si George ng 27 puntos.

Naglaro ang Clippers na wala sina star player Kawhi Leonard (injury management, left knee soreness), Lou Williams (right calf), Patrick Beverly (concussion) at JaMychal Green (tailbone contusion).