UMABOT hanggang top 12 ang dalawang Pilipina candidates sa two prestigious pageant at modelling competitions abroad nitong Sabado.

michelle dee, april may

Natapos ang journey ni Miss World Philippines Michelle Marquez Dee Miss World 2019 contest sa London na umabot sa top 12. Nasa 111 kandidata ang naglaban-laban ngayong taon.

Si Miss Jamaica Toni-Ann Singh ang kinoronahang Miss World 2019, ang ikatlong korona na nakuha ng bansa para sa 69-year-history ng kompetisyon.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Una nang pumasok si Michelle sa top 40 candidates matapos siyang manalo sa head-to-head challenge, isa sa fast-track events ng pageant.

Si Michelle rin ang anak ni former beauty queen-turned-actress, Melanie Marquez.

Umabot din sa top 12 si April May Short ng Pilipinas para sa World Top Model competition sa Monte Carlo, Monaco. Ang kandidata ng Italy ang nagkamit ng titulo.

“This achievement qualified her to join the the World Top Model Training Academy in Italy. April is expected back in Europe by June 2020 for a 2-month training scholarship,” pahayag ni Cory Quirino, national director ng Mutya Pilipinas beauty contest.

Ito ang unang pagkakataon na sumabak ang Pilipinas sa nasabing kumpetisyon.

Dagdag pa ni Quirino, “It’s a whole new world opening up for April and we are extremely proud of her. This was the very first time the Philippines joined World Top Model and April definitely made her presence felt and seen in the international runway.”

-Robert Requintina