HINDI maikakaila na marami ang tumaas ang kilay at natawa nang ipahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Cong. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na kaya ng atletang Pinoy na magwagi ng 130 gintong medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Tolentino

Tolentino

Matapos ang 10 araw na kompetisyon, nakuha ni Tolentino ang huling halakhak.

Hindi lamang tumama, bagkus lumagpas pa sa target ang naipanalo ng Team Philippines sa nakamait na 149 ginto para muling tanghaling overall champion ang Pilipinas – sa ikalawang pagkakataon matapos ang dominasyon noong 2005 – sa biennial meet.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagsanay at naghanda ang atletang Pinoy. Ngunit, para kat Tolentino ang susi sa tagumpay ng bansa ay ang pamosong katagang hinango sa NBA champion Golden State Warriors ‘Strength in Numbers’ – 529 events sa 56 sports.

“In the end, 56 sports allowed us to make the impossible possible— winning the overall championship of the 30th SEA Games,” pahayag ni Tolentino sa inpormal na ‘Report sa Bayan’ nitong Biyernes.

Iginiit ni Tolentino, pangulo rin ng Cycling Federation, na malaki ang naging ‘impact’ sa kampanya ng Team Philippines sa ipinaglaban niyang 56 sports para sa biennial meet.

“I knew that the best way to emerge overall champion is to use this formula. And now, we all know that it worked,” sambit ni Tolentino.

Inamin ni Tolentino na dugo’t pawis ang ipinuhunan ng mga atleta, ngunit ang determinasyon niyang mapabrubahan sa mga miyembro ng SEA Games Federation ang dami ng sports event ay hindi matatawaran.

“It was a long and meticulous process, talking with NSA presidents and secretary generals, asking for their honest impressions on which events must be included and which shouldn’t,” aniya. “It’s about deleting those events where Filipino athletes won’t potentially win the golds.”

Sa SEA Games, tradisyon na sa federasyon na bigyan ang host country nang pribelihiyo para piliin ang mga sports at events na lalaruin sa biennial meet na siya namang sasailalim sa ‘review’ ng SEAGF para sa ‘final approval’.

“We do our math. Simple lang kung may tig-2 ginto ang bawat NSA na kasali, that’s equivalent to 112 gold medal already. Yung inaasahan natin, lumabis pa dahil yung arnis, dance sports and even yung bagong sports na kickboxing eh nagdeliver kaya kahit walabng napanalunan yung ibang sports, naibsan ang impact nito,” ayon kay Tolentino.

Ang 2019 edition ang pinakamatagumpay na kampanya ng Team Philippines sa kasaysayan ng SEA Games sa napagwagihang 387 medalya – 149 ginto, 118 silver at 120 bronze.

Iginiit din ni Tolentino na malaki ang naitulong ng buhos ng suporta ng sambayanan.

“Lahat ng venues, dinumog ng tao. Kaya an gating mga atleta, mas lumakas, mas tumapang at humusay.”

“It was one big, big effort. Winning the overall championship was not solely on the athletes’ shoulders, but each and every Filipino,” aniya.

-EDWIN ROLLON