SA Sabado Disyembre 14, muling tututok ang pageant fans para sa pagsabak ng pambato ng Pilipinas, si Michelle Dee sa Miss World pageant. At mapapanood sa GMA Network ang grand coronation night ng Miss World 2019.

Michelle

Bahagi si Michelle ng GMA Artist Center talent. Matapos tanghaling isa sa mga nagwagi sa Head to Head challenge kung saan ibinahagi ni Michelle ang kanyang adbokasiya sa autism awareness, tiyak nang may puwesto siya sa Top 40. Kabilang din ang kanyang adbokasiya sa Top 20 ng Beauty with a Purpose program.

Gaganapin ang pinakahuli at pinakaaabangang kompetisyon ng taon sa ExCeL Arena sa London, United Kingdom.

Isa naman sa host ng pageant ang Kapuso leading lady at Miss World 2013 na si Megan Young, kung saan nasa 112 na kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang maglalaban-laban para sa korona.

Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

Sino kaya sa mga naggagandahang kandidata ang mag-uuwi ng korona at ng natatanging titulo bilang Miss World 2019?

Good luck, Michelle!