NAGKITA na naman sina Kris Aquino at Willie Revillame, kaya may mga nanukso na naman sa dalawa na mabilis sinagot ni Kris. Pinost kasi ni Kris ang photo nila ni Willie kasama sina Josh at Bimby ay nilagyan ng caption na “The 2 giants, Willie, and me. #christmas2019.”

May nag-comment na “Pede kayo nlang forever Ms. Kris and kuya Will” na sinagot ni Kris ng “we’re not interested in each other. Matulog na tayo” at hindi na sinagot ang ibang comment sa kanila ni Willie.
Ang sinagot ni Kris ay ang comment kina Josh at Bimby at sa nagsabing kamukhang-kamukha niya ang mga anak, ang sagot ni Kris, “you made my night.” Dagdag na nito, “they make me happy & opitimistic.”
Sa nag-comment ng “You look healthier Ms. Kris! God bless” ang sagot ni Kris, “with God’s grace, getting there (and with the help of false eyelashes, blush, and @krislifekit LUCKY lipstick.”
May picture rin si Kris kasama ang manager na si Erickson Raymundo at Catriona Gray at nangyari ito sa Christmas party ng Cornerstone na kung saan, may management contract din yata si Catriona. Sa Will Tower ni Wilie ginawa ang Christmas Party, kaya siguro nagkita sila ni Willie.
-Nitz Miralles