TINUPAD ng Megastar Sharon Cuneta ang pangako niyang manonood siya sa celebrity premiere ng pelikulang Mindanao na pinagbidahan ni Judy Ann Santos. Siyempre, tuwang tuwa si Juday sa reaksiyon ng mga taong present sa naturang celebrity premiere na ginanap sa Podium.

Judy Ann

Lahat halos ng nakapanood na ng nasabing pelikula ni Judy Ann Santos ay aminadong mahirap daw talunin ang isang Judy Ann Santos sa pagka-best actress maski na nga ang aktres na si Iza Calzado na magaling din sa ipinanlabang pelikulang Culion ay suko sa asawa ni Ryan Agoncillo.

Kuwento pa nga ni Mommy Carol na siyang nagpadala sa amin ng “video” ni Sharon Cuneta na kung saan puring puri ng Megastar si Juday ay ngayon pa lang daw ay mas kabado raw ang anak niya, huh!

“Mas nakakaba ito at nakakataba ng puso ang suporta nila sa movie ni Juday. Sabi pa ng ani Juday doon pa lang ay “winner” na siya. Kumbaga ‘yung nakuha niyang suporta mula sa mga taga industriya ng showbiz, mapa pelikula man o TV at maski na ‘yung mga taga teatro,eh, panalo na ang anak ko,”sey pa ni Mommy Carol.

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

Banggit pa rin ni Mommy Carol na naramdaman daw niya ang sobrang kaba ni Judy Ann Santos. Kahit na marami na ang nagsasabing “winner” na ang movie nilang Mindanao, eh, hindi raw maiiwasang kabahan si Juday.

“Sana nga lang, magiging maganda ang resulta ng movie. Hindi lang sana sa award kungdi sana pati sa box office,”sey pa ni Mommy Carol.

Banggit pa nga raw ni Judy Ann na mas kabado raw ang aktres sa magiging resulta ng MMFF kaysa kung saan saang international filmfest na sinalihan ng pelikulang ‘Mindanao”.

Katulad din ng anak niyang si Judy Ann Santos at dasal pa ni Mommy Carol na sana raw ay higit na ma-appreciate ng mga pinoy ang pelikula nilang “Mindano” dahil hindi naman daw kaila sa mga ito na magaganda halos ang nababasang feedback hingil sa movie na ito ni Judy Ann Santos.

“It is not just for Mindanao team. It is for the Philippines. Sana ma-appreciate nila. Kung hindi man, eh, masaya pa rin ako dahil nakangit ang puso ko, araw araw, gabi gabi,eh, alam kong nakagawa ako ng isang de kalidad na pelikulang napakamakabuluhan at sa akin,eh, sapat na yun.

“Para na rin akong nanalo na isa pang tropeo para sa pagka best-actress,”sey pa raw ni Ms. Judy Ann Santos.

Samantala ,naitanong na rin naman namin kay Mommy Carol kung may plano na bang pagsamahin sa isang pelikula sina Vilma Santos at Judy Ann Santos na marami na rin ang umaasang matupad,huh!

“Well, wala namang problema yan. Si Juday naman, eh, waiting lang sa offer na magagandang project . If ever matutuloy na sila ni Ate Vi, eh bongga ‘yun pero ang alam ko, napakabisi pa ni Ate Vi bilang congressman, eh, baka mahirap maisingit pa sa schedule niya.

-JIMI C. ESCALA